World Dragon Boat hahataw na sa Palawan
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
AARANGKADA na ngayong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.
Pinakamalaki ang delegasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries.
Masaya si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Leonora “Lenlen” Escollante sa kumpirmasyon ng mga foreign teams.
May mahigit 2,000 paddlers mula sa 27 bansa ang lalahok sa edisyong ito ng World Championships.
“India alone is fielding a 140-strong contingent of paddlers while the Philippines has 200 entries,” ani Escollante.
Dadalo sa opening rites si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga opisyales para saksihan ang salpukan ng mahuhusay na paddlers sa mundo.
“It is truly an honor that the Chief Executive is coming over. I was shocked when the Office of the President confirmed it last Monday. Now event Puerto Princesa City government officials informed me confirming that he, indeed, is coming over,” ani Escollante.
Matatandaang idineklara ni Marcos na ang centennial anniversary ng International Canoe Federation ay magiging “Moving Forward Paddling Week Philippines” na nasa Proclamation No. 699.
-
Three ‘Filipino BL Series’ Now Streaming on WeTV and iFlix
HERE are three new Pinoy BL series that remind us that love can be found when and where you can least expect it – and you can watch them for free on WeTV and iflix. QUARANTHINGS: THE SERIES (2020) CAST: Royce Cabrera, Kyo Quijano DIRECTOR: Pancho Maniquis Quaranthings: The Series follows the friendship of two boys, […]
-
Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin
Inaanyayahan ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan. Ayon kay CESU chief Dr. Rolando […]
-
Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’
PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid. At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa […]