• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva balik-PBA na

Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva.

Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang test na hindi matapos-tapos ng tubong Pampangeno.

Malaki umano ang naitulong para sa maagang pagbabalik ng Phoenix star sa laro nang kumalat ang balitang kinukuha at pipirma na sa Japan B League si Abueva.

Matatandaang unang pumirma si Thirdy Ravena sa team ng Sun En-NeoPhoenix sa Japan, bago operan din ng isang team sa Japan si Abueva para maglaro bilang import.

Bukod kay Abueva, tumanggap din umano ng offer sa Japan bilang import sina Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Sinabi rin ng insider na ikinatuwa ni Marcial ang sinabi ni Abueva na mas prayoridad nitong maglaro sa PBA kaysa sa Japan kaya matiyaga nitong hinihintay ang desisyon ng liga sa kabila na mahigit isang taon na itong suspendido.

Pero, nagsalita umano si Abueva na kung hindi na siya papayagang maglaro sa PBA ay tatanggapin na niya ang offer ng Japan B League.

Idinagdag pa ni Marcial na kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago ni Abueva mula sa pag-uugali, pananalita pati na ang pagkilos nito.

Sa katapusan ng Agosto ay mapapaso na ang kontrata ni “The Beast” sa Fuel Master at kung hindi na ito palalawigin ng koponan ay nagkaabang umano ang koponan gaya ng Magnolia Hotshot at Brgy. Ginebra.

Other News
  • Balota para sa BARMM inuna nang iimprenta ng Comelec

    INUNA na ng Commission on Elections (Comelec) na iimprenta nitong Linggo ng umaga ang mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin sa national and local elections sa Mayo 9.     Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa kabuuang 2,588,193 balota para sa BARMM ang kanilang iiimprenta. Unang […]

  • ‘Kontrabida’ ni NORA, mukhang hinahanapan pa ng magandang playdate

    GUSTO namin batiin si Roderick Paulate or Kuya Dick sa kanyang nominasyon sa 34th Star Awards for TV as Best Supporting Actor para sa GMA 7 series na One of the Baes.     We don’t know kung ilang beses na nagwagi sa PMPC Star Awards for TV si Kuya Dick pero we are sure na […]

  • Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

    Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.     Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.     Alinsunod sa […]