Panlilio, Canlas suportado si Tolentino
- Published on November 4, 2024
- by @peoplesbalita
SUPORTADO nina Samahang Basketbol ng Pilipinas head Al Panlilio at surfing federation chief Dr. Jose Raul Canlas ang liderato ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
NIlinaw ng dalawa na bahagi sila ng tiket ni Tolentino para sa nalalapit na POC elections.
Tatakbo si Panlilio bilang first vice president habang treasurer naman si Canlas kasama ang grupo ni Tolentino.
“I’m committed only to Philippine sports, to the Filipino athletes and to the leadership of Abraham “Bambol” Tolentino, who did a good job, and we are hoping to make it better or sustainable in the upcoming years,” ani Panlilio.
Ito rin ang pananaw ni Canlas na siyang lider ng United Philippine Surfing Association.
“I am for Philippines sports and for the Filipino athletes. Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino has proven himself as an effective leader,” ani Canlas.
Target ni Tolentino na muling makakuha ng four-year term bilang POC president sa eleksiyon na idaraos sa Nobyembre 29 sa East Ocean Seafood Restaurant.
Kasama ni Tolentino sa grupo sina Panlilio, second vice president Richard Gomez, Canlas, Donaldo “Don” Caringal bilang auditor, at executive board members Alvin Aguilar ng wrestling, Alexander “Ali” Sulit ng judo, Ferdinand “Ferdie” Agustin ng jiu-jitsu, Leonora Escollante ng canoe-kayak at Leah Jalandoni Gonzales ng fencing.
Makakalaban ni Tolentino si baseball association president Chito Loyzaga.
Nauna nang inilabas ni Loyzaga na kasama nito sina Panlilio at Canlas sa grupo.
Subalit nilinaw nina Panlilio at Canlas na tinanggihan nito pareho ang offer ni Loyzaga na maging bahagi ng kanilang tiket.
-
CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility
HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan. Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]
-
BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una. Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]
-
House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171 Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang. […]