• February 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo

SA PAGPASOK ng Kapas­kuhan ay inalok ni da­ting Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na sina Elaiza.

 

 

 

(ikalawa mula sa kanan) at Eldrew (kanan). Nagkaroon ng sigalot ang pamilya Yulo simula noong nakaraang taon. Lalo pa silang nagkalayo nang manalo si Carlos ng dalawang gold medals sa Paris Olympics.

 

 

Sinabi ni Singson na walang katumbas na tagumpay ang maaaring pumantay sa pag-ibig at respeto para sa kanyang pamilya. Ayon kay Singson, ang pagpapatawad, pag-uunawaan at pagmamalasakit ang dapat mangibabaw sa mga pamilyang Pilipino. At sa papalapait na Kapaskuhan ay sinabi ni Singson na ipinagdarasal ng sambayanan ang muling pagsasama-sama ng mga Yulo.

 

 

Nauna nang binigyan ni Singson ang pamilya Yulo ng isang pre-Yuletide present na P1 milyon.

Other News
  • Dahil ginamit sa video ang kuha sa kasal nila: Ex-husband ni MOIRA na si JASON, tinawag na ‘clout chaser’ at ‘user’

    “CLOUT Chaser” at “User” ang ilan sa mga salitang mababasa sa mga comments patungkol kay Jason Marvin.     Ang ex-husband ni Moira dela Torre, though, technically, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled.     In bad taste ang kinalabasan ng music video ni Jason sa bago niyang single na “Ikaw […]

  • PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

    INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.     Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring […]

  • JC Intal nag-retiro na sa paglalaro sa PBA

    Nagpasya na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.     Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.     Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.     Matapos kasi ang paglalaro niya sa […]