1.89 milyong Pinoy walang trabaho noong Setyembre
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
NABAWASAN ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho na naitala sa 1.89 milyon o 3.7 percent noong Setyembre 2024.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay mas mababa sa 2.07 milyon jobless Pinoy o nasa 4.0 percent noong Agosto ngayong taon.
Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na tumaas naman sa 96.3 percent o 49.87 milyong Pinoy ang may trabaho noong Setyembre samantalang 96.0 percent o nasa 49.15 milyon na may trabaho noong Agosto.
Sinabi ni Mapa na mayroon ding 5.94 milyon mula sa 49.87 milyong may trabahong indibidwal ang nagsabing gustong magkaroon ng karagdagang oras sa trabaho, magkaroon ng karagdagang trabaho, o magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras na trabaho.
Ito anya ay nangangahulugan na ang underemployment rate noong Setyembre ay tumaas sa 11.9 percent mula sa 11.2 percent noong Agosto 2024.
-
Angelina Jolie, Reveals the Reason Why She Signed on for MCU’s Upcoming Movie ‘Eternals’
ANGELINA Jolie reveals why she said yes to Marvel’s Eternals. The next MCU movie after Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals shifts the focus away from the better known Marvel superheroes and instead introduces a new, eponymous group of superpowered individuals based on Jack Kirby obscure comic book team. The movie navigates the adventures of the titular, immortal […]
-
PBBM, nagtalaga na ng bagong Director General ng PIA
OPISYAL nang nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Director General ng Philippine Information Agency (PIA). Sa inilabas na mga bagong appointee Ng Presidential Communications Office (PCO) kasama si Jose Torres Jr sa mga newly appointed officials na kung saan, siya ay itatalaga sa PIA bilang Dir Gen. Si Torres […]
-
Ads March 1, 2021