2 tulak, nadakma sa Valenzuela drug bust, higit P.2M droga nasamsam
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
TIMBOG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rey”, 28, tricycle Driver ng Brgy. Malinta at “Nano”, 28, ng San Jose Del Monte Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, dakong alas-12:35 ng madaling araw ng hating gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa San Francisco St., Brgy. Karuhatan matapos umanong bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 29.56 grams ng hinihinang shabu na nagkakahalaha ng P201,008.00, buy bust money na isang P500 bill na may kasamang 8-pirasong P1,000 boodle money, P400 recovered money at itim na coin purse.
Ani Capt. Dorado, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umno’y pagbebenta ni alyas Rey ng shabu kaya agad siyang bumuo ng team sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Sinabi ni SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio na nakatakda nilang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ng SDEU kung sino ang pinagkukunan ng mga nadakip ng ilegal na droga. (Richard Mesa)
-
PBBM, hangad na palakasin ang bilateral ties sa kanyang China trip
LAYON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas sa China sa kanyang state visit sa Beijing, simula Martes, Enero 3. Kabilang dito ang pakikipag-usap sa aspeto ng kooperasyon lalo na sa larangan ng ekonomiya, kalakal at pamumuhunan at maritime security. Para sa Department of Foreign Affairs, […]
-
MEMORIAM WALL, INILAGAY SA HARAP NG SIMBAHAN ng QUIAPO
ISANG memoriam wall sa harap ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang inilagay kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus. Ito ay bilang pakikiisa ng Simbahan ng Quaipo sa panawagan ng Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at […]
-
Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust
MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station […]