Sa raid sa Bulacan at Valenzuela P2.4 bilyong pekeng yosi, kagamitan nasamsam
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
UMISKOR ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crime Unit at Bureau of Internal Revenue at iba pang lokal na law enforcement units kasunod ng pagkakalansag sa large-scale illegal manufacturing na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2.4 bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at smuggling equipment sa serye ng operasyon sa Bulacan at Valenzuela nitong Nobyembre 6-7.
Sa report na tinanggap ni P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, director ng PNP-CIDG, isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon alinsunod sa pinaigting na operasyon laban sa smuggling ng mga pekeng sigarilyo.
Sinabi ni Torre, ang raid ay sa ilalim ng ipinalabas na BIR Mission Order No. MS0201700024179, Section 6(C) ng National Internal Revenue Code of 1997.
Ang illegal na planta ng pekeng sigarilyo, kayang mag-prodyus ng tinatayang 12.9 milyong sigarilyo kada araw na nasa P45 milyong halaga kada araw.
Ayon pa sa opisyal, ang mga nakumpiskang items kabilang ang mga production machinery at raw materials ay nasa P1.245 bilyong halaga, sa isang pabrika sa Bulacan. Nasa 155 katao na ni-recruit sa planta ang nasagip sa operasyon habang isang alyas “Yu” ang naaresto.
-
FILMING A GREAT KILL SCENE IN A HORROR MOVIE IS A BADGE OF HONOR FOR “THANKSGIVING” DIRECTOR ELI ROTH
THE heart of any slasher movie is the kills, and Eli Roth – the genre’s maestro – would make sure that Thanksgiving reflected his best work. “Every kill had to meet our standards of scare and gore,” says the Thanksgiving director. “If the movie didn’t deliver on its promise, we’d be dead.” And Roth had the […]
-
JOHN, nilinaw na ‘di pa ikakasal sina INAH at JAKE pero wish na magtagal
NANINIWALA si John Estrada na mas mahirap daw silang i-handle noong mga teenager pa lang sila at nag-aartista. Katwiran niya, “Tingin ko po ngayon with the technology and the internet, alam niyo, sobrang advance na po ang mga bata ngayon. “Minsan nga yung mga anak ko pa ang nagtuturo sa akin.” […]
-
Mask-wearing outdoors, dapat na ‘opsyonal’- Concepcion
DAPAT na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings. Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, nais niyang mag- exit o lumabas na ang Pilipinas sa “state of public health emergency. “I think wearing of face masks outdoors should now be optional, but it should remain mandatory […]