• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

27-anyos na wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa Leyte

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong murder sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa probinsya ng Leyte.

 

 

Sa kanyang report Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng 27-anyos na lalaking akusado na residente ng Samar.

 

 

Kaagad inatasan ni Col. Cayaban ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na nakatala bilang Top 2 Most Wanted Person sa Lungsod ng Valenzuela.

 

Katuwang ang mga tauhan ng RID PRO8, 801st at 805th RMFB-8, isinilbi ng mga operatiba ng Valenzuela Police SIS sa akusado ang warrant of arrest dakong alas-10:15 ng umaga sa Barangay Campitec, Palo Leyte.

 

Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City na may petsang December 22, 2020, para sa kasong Murder.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Valenzuela police custodial facility unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order. (Richard Mesa)

Other News
  • TRUMP PINAPANAGOT ANG CHINA SA COVID-19

    SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York.   Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus.   Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on […]

  • VILLAR, BINAY, NAGSUMITE NA RIN NG COCC

    NAKAPAGSUMITE na rin ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Las Piñas City Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay.   Mula noong unang araw, pumalo na sa 53 aspirante sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng kanilang COC.   Dalawang partylist naman ang nagpasa ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance […]

  • Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom

    HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom.   “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco.   […]