Halaga ng pinsalang iniwan ng STS Kristine sa agri sector, lumobo pa sa P6.83B
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
Ito ay batay sa updated report ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRMO).
Lumobo rin sa 171,080 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo mula sa 143,000, dalawang araw na ang nakakalipas.
Umabot na rin sa 317,316 metriko tonelada ang natukoy na production loss mula sa 141,971 ektarya ng mga sakahan na naapektuhan.
Nananatili pa ring pinaka-apektado ang rice industry na nagtamo na ng kabuuang P5.05 billion na pinsala habang ang nalalabi ay pinaghati-hatian na ng mga industriya ng mais, fisheries, poultry, at iba pa.
Sa kasalukuyan, wala pang datos ukol sa pinsalang iniwan ng Super Typhoon Leon sa sektor ng pagsasaka.
Ayon sa DA, hindi pa rin kaaya-aya ang weather situation sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo para sa pagsasagawa ng field validation. (Daris Jose)
-
Ads January 14, 2023
-
Ads March 30, 2022
-
PruRide bikefest sa Nobyembre
KINANSELA ang PruRide PH sa kaagahan ng taon dahil sa Covid-19, pero nagbago ang ihip ng hangin para sa organizer kaya pepedal pa rin ang bikefest sa virtual edition na nga lang muna sa darating na Nobyembre. “From the physical, ginawa na namin sa virtual. I definitely realized that you can also do so […]