• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”

Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya.

 

Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya.

 

“Tama lamang na unahin muna nito ang emergency ng pamilya sa ngayon at inaasahan naming babalik ito  para maglaro at muling sasailalim sa COVID-19 testing bago magsimula ang National Basketball Association (NBA),” ani Griffin.

 

Bilang respeto umano kay Williamson, hindi muna isiniwalat ng NBA ang detalye sa tunay na dahilan sa paglabas  ng rookie player sa “Bubble.”

 

Sinabi ng NBA na muling sasailalim ang manlalaro sa 10 araw na quarantine kapag bumalik sa Orlando upang masiguro na hindi ito naghawahan ng coronavirus disease.

 

Itinuturing na susunod sa yapak ni NBA star LeBron James, ang 20-anyos na si Williamson ay kumakamada ng average na 23.6 points, 6.8 rebounds at 2.2 assists.

Other News
  • 40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory

    Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.     Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 […]

  • LTFRB walang operasyon, 20 empleyado may COVID

    Suspendido muna ang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ngayon may pinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).       Ayon sa LTFRB maliban sa restrictions sa ilalim ng MECQ nalaman rin na may 20 empleyado sa central office nito ang nagpositibo sa COVID.       Ganon […]

  • Inflation sa bansa nag-umapaw sa 7.7%, pinakataas simula Disyembre 2008

    UMABOT  na sa 7.7% ang “headline inflation” sa Pilipinas ngayong Oktubre 2022, ang pinakamabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin simula pa Disyembre 2008 o halos 14 taon.     Ito ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes, ito matapos itaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang […]