• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Nika,’ lumakas: Signal No. 2 sa 8 lugar

BAHAGYANG lumakas ang Severe Tropical Storm Nika kasabay ng pagkilos nito pakanlurang bahagi ng Philippine Sea sa silangan ng Quezon.

 

 

Sa update ng PAGASA bandang alas-2 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo 425 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.

 

 

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110km per hour at pagbugso na 135 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kph.

 

Itinaas na sa Signal No. 2 ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Northern at central portions ng Aurora; Isabela; Quirino; Southern portion ng Cagayan; Nueva Vizcaya; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; Eastern portion ng Benguet; Northern portion ng Nueva Ecija at Northeastern portion ng Pangasinan.

 

 

Posibleng mag-landfall si Nika sa Isabela o Aurora ngayon umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.

 

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si ‘Nika’ tanghali o gabi ng Nob. 12. (Daris Jose)

Other News
  • Administrasyong Marcos, nangako ng ‘safe, secure environment’ para sa media workers

    COMMITTED ang administrasyong Marcos na magbigay ng “safe and secure environment”  sa  Philippine press.     Sinabi ni  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez na ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bilang suporta sa patuloy na operasyon ng task force sa ilalim ng kanyang liderato.     […]

  • DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

    PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.       Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]

  • 4 TULAK TIMBOG SA P646K SHABU SA CALOOCAN

    ARESTADO ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang company driver matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Ayon kay Caloocan city police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba […]