Garbin, iprinoklama bilang Mayor ng Legaspi
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
IPRINOKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) si dating Ako Bicol representative Alfredo Garbin Jr., bilang Mayor ng Legazpi City.
Ito ay matapos magpulong ang Speclal City Board of Canvassers (SCBOC) ng Legazpi upang ipatupad ang dessiyon na nag-uutos na ipawalang-bisa ang proklamaasyon ni Carmen Rosal sa 2022 national at local elections, ayon sa poll body.
Noong May, diniskwalipika ng Comelec En Banc ang mayoral candidate ni Rosal para sa pagbibigay ng pera upang impluwensyahan, akitin at bilhin ang boto na isang paglabag sa ilalim ng Section 68(a) ng Omnibus Election Code.
Ang kaso ay nag-ugat sa Facebook post tungkol sa dalawang-araw na Tricycle Driver’s Cash Assistance payout. Sa nasabing post ay pinasalamatan si Rosal para sa aktibidad at binanggit bilang “Mayor Gie Rosal” kahit hindi siya ang incumbent mayor ng nasabing panahon.
Samantala, pinagtibay ng Korte Suprema ang diskwalipikasyon ni Rosal noong Oktubre.
Pinagtibay din ng Korte Suprema ang diskwalipikasyon ng kanyang mister na si Noel Rosal at Jose Alfonso Barizo sa 2022 NLE para sa paglabag sa Omnibus Election Code na may kaugnayan sa disbursement at paglabas ng pondo ng gobyerno sa panahon na ipinagbabawal bago ang regular election. GENE ADSUARA
-
Ads February 25, 2021
-
Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ
DAHIL sa namuong banta ng Delta variant, walang kuwestiyon na ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ay isang mahalagang solusyon. Nakasaad sa Seksyon 2 ng Guidelines for Areas Placed Under ECQ ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na “gatherings that are […]
-
Pagpapaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero dahil Bagyong Kristine pinatitiyak ni PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Kristine. Sa situation briefing sa NDRRMC, iniulat sa pangulo na nasa 5, 329 ang mga pasahero na stranded sa iba’t ibang […]