• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa TYPHOON-WEARY PINOYS: Handa ang gobyerno para sa bagyong ‘NIKA’, iba pang bagyo

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga typhoon-weary Filipino na ‘fully mobilized’ ang local at national government para protektahan ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

 

Sa sidelines ng Seatrade Cruise (STC) Asia 2024 Welcome Reception sa Parañaque City, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang government response teams ay ‘on the ground’, nililinis ang mga kalsada at naghahanda para maghatid ng tulong sa mas higit na kinakailangan.

 

“Kahit na may bagyo, kahit na malakas ang hangin nasa labas sila dahil kaya pa naman. Kaya pa naman daw. They can still work to clear trees that fell. ‘Yung mga poste na nahulog para may daanan ang mga relief goods natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sinabi pa nito na ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay naka-monitor sa Severe Tropical Storm Nika, na humina subalit patuloy na nakaaapekto sa Ilocos Sur at kalapit lugar nito.

 

“The government has prepositioned equipment and relief supplies, ready to respond as soon as conditions allow,” ang winika ni Pangulong Marcos sabay sabing “We are now monitoring what’s happening.”

 

“We’ve done the usual standard procedure where we have sent, prepositioned our equipment and our relief goods. And we will just have to see where the areas are that will be particularly hit,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang lahat ng kaugnay na ahensiya “continue to prepare” para sa dalawang iba pang inaasahang bagyo, inihahanda ang lahat ng remedyo upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino.

 

Tinitingnan din ng gobyerno ayon sa Pangulo ang mga pinsala sanhi ng mga bagyo upang masiguro ang kagya’t na tulong.

 

Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga mamamayang Filipino na makinig sa LGUs.

 

“As soon as the government can come in, we will come in. Your local government is there – is ready to be the first responders as they always are and the national government will come in as soon as we can,” he said.

 

“In fact, we’re already there and they’re just waiting for the storm to allow them to get to work,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]

  • PWAI kinalampag ang POC

    MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.   Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng […]

  • M. Night Shyamalan’s Old Clip Teases Aged-Up Horror

    A new clip has been released for M. Night Shyamalan’s Old that teases the horror of aging.     The film is based on the graphic novel Sandcastle, which was written by Pierre-Oscar Lévy and Frederick Peeters.     The story follows a family who finds out about a secluded beach where they feel they can properly enjoy their […]