PWAI kinalampag ang POC
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.
Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng mga bagong opisyal na manunungkulan makaraang huling maghalalan pa limang taon na ang nakararaan o 2015.
Pinaabot ni Tiukinhoy ang bagay sa tatlong pahina niyang lsulat kay Tolentino kasabay nang paggiit na ang PWAI pa rin ang National Sports Association (NSA) na may legal personality kahit matagal nang naantala ang electoral congress nito.
Inaasam ng opisyal na nanunungkulan ding pangulo ng Cebu Weightlifting Association, Inc. (CWAI), appointed vice president at treasurer ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas, Inc. (SWPI) at commissioner ng Cebu Sports Foundation, Inc. (CESAFI), na maayos na ang suliranin ng PWAI.
Rehistrado ang PWAI sa Securities and Exchange Commission (SEC) na amended noong January 25, 1996. Nakansela ang SEC registration noong 2003 dahil sa non-compliance at non-payment hanggang sa kasalukuyan.
Nasa likod ni Tuikinhoy sa hakbang ang buong CWAI na mga dating opisyal o nagserbisyo sa PWAI.
Sila ay sina chairman Rufus Rodriguez, vice president Jude Harry del Rio, secretary general Judith Sadje Sulla, treasurer Edwin Nacua, auditor Danilo Catingub, PRO Juan Maraat, project director Eliseo Dildig, legal adviser, Dean Baldomero Estenzo, atprogram Ambassador Hidilyn Diaz.
Maaring binabasa ninyo ito na nakapuwesto pa si Tolentino sa POC. Puwedeng hindi na rin dahil kalaban niya noong Biyernes, Nobyembre 27 sa halalan ng mga bagong opisyal ng organisassyon si Jesus Clint Aranas. (REC)
-
Wrestling legend ‘Razor Ramon’ pumanaw na, 63
Pumanaw na ang wrestling star Scott Hall o kilala bilang si Razor Ramon sa edad 63. Kinumpirma ito ng World Wrestling Entertainment (WWE) matapos ang pagkaka-ospital nito ng ilang araw. Nagdesisyon na rin ang pamilya nito na tanggalin ang kaniyang life support matapos ang pagkaka-ospital ng tatlong beses na itong inatake […]
-
GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’
MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha. Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos. “May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung […]
-
Ads July 3, 2024