• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara inakusahan ng ‘cover up’ sa P500 milyong confidential funds sa OVP

INAKUSAHAN ang umano’y pag-cover up ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan nang pagpigil sa mga malalapit niyang tauhan na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso.

 

Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chair ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability, ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ng mga opisyal na may direktang responsibilidad sa paghawak ng pampublikong pondo na sinusuri.

 

“Ang nakikita po namin dito, ang pinapupunta po nila ‘yung mga career officials na sa tingin po namin e hindi naman po sila ang talagang concerned. Parang nagkakaroon po ng cover-up dito po sa issue na ito,” wika ni Chua sa mga tanong ng mamamahayag sa press conference.

 

Sa ikalimang pagdinig ng komite noong Lunes, dumalo ang ­ilang career officials ng OVP—kabilang sina Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Chief ­Accountant Julieta Villa­delrey, Budget Division Chief Edelyn Rabago, at Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Tenido.

 

Gayunpaman, hindi dumalo ang malalapit na kasamahan ni Duterte, tulad ni OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez at Special Disbursing Officer Gina Acosta na kapwa nagsilbi bilang staff ni Duterte noong siya ay alkalde ng Davao City.

 

Hinahanap ng komite ang mga paliwanag mula sa mga opisyal ng OVP sa umano’y maling paggamit ng P500-milyon na CIFs para sa huling quarter ng 2022 at ­unang tatlong quarter ng 2023.

 

Itinuro ng COA ang ­halos kalahati ng ­kabuuan at hindi pinayagan ang P73 milyon sa P125 mil­yon na ginastos ng OVP sa loob lamang ng 11 araw sa huling quarter ng 2022. (Daris Jose)

Other News
  • 2 ‘tulak’ isinelda sa P68K droga sa Valenzuela

    BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.     Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]

  • ‘The Conjuring’ unveils final trailer of ‘The Devil Made Me Do It’

    THE true case that proved the Devil was real.      Warner Bros. Pictures unveils the final trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.     Check it out below and watch “The Conjuring: […]

  • Mga dawit sa multi-bilyong pisong iregularidad sa ahensiya, nailagay na sa pangalan ng iba -Sec. Roque

    KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na nailagay na sa ibang pangalan ang mga ari-arian ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) na sangkot sa anomalya sa ahensiya.   Ito ang isiniwalat ni Presiden- tial spokesperson Harry Roque batay na rin aniya sa naikasa na nilang lifestyle check bago pa lumabas ang […]