Mga dawit sa multi-bilyong pisong iregularidad sa ahensiya, nailagay na sa pangalan ng iba -Sec. Roque
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na nailagay na sa ibang pangalan ang mga ari-arian ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) na sangkot sa anomalya sa ahensiya.
Ito ang isiniwalat ni Presiden- tial spokesperson Harry Roque batay na rin aniya sa naikasa na nilang lifestyle check bago pa lumabas ang tindig ng Ombudsman na itigil na ang lifestyle checks sa mga public officials.
Aniya, dahil sa may alam sa batas ang una nang mga siniyasat na opisyal ng PHILHEALTH ay nakagawa na aniya ang mga ito ng kaukulang hakbang upang mailagay sa pangalan ng iba ang kanilang ari- arian.
Ilan lang sa mga nabanggit ni Roque na asset na wala na sa pangalan ng ilang PHILHEALTH officials na idinadawit sa iregularidad ay ang umano’y bahay ng mga ito sa Baguio.
“At sa totoo lang sa panahon ngayon, unless ikaw talaga’y garapal, ang mga kurakot naman ay magaling nang magtago. Diyan po sa PhilHealth tatapatin ko kayo, nagkaroon kami ng lifestyle check. Eh siyempre dahil marunong sa batas iyong mga nila-lifestyle check, nailagay na sa pangalan ng iba ‘no. Pero kumpirmado na umuuwi sa bahay sa Baguio, ganyan ganyan… na napakalaki pero hindi sa kaniya nakapangalan ‘no,” lahad nito.
Ganunpaman aniya ay hindi na tinukoy pa ni Sec. Roque kung sinu- sino ang mga naturang opisyales ng ahensiya na ani Roque ay may alam sa usapin sa batas.
Ang mas importante aniya ngayon ay ang pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC)dahil ang AMLC aniya ay may paper trail kapag may pumasok na pera. (Daris Jose)
-
Walang dahilan para ipagpaliban ang Negros Oriental barangay, SK polls-Abalos
WALANG nakikitang dahilan si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Negros Oriental kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan nito lamang weekend. Sinabi ni Abalos na ang lalawigan ay mapayapa sa loob ng apat na buwan matapos na patayin si dating governor Roel Degamo, tinukoy […]
-
Nag-trending na naman dahil sa new hairstyle: MAINE, blooming na blooming at happy bilang wife ni ARJO
NAG-TRENDING ang new hairstyle ni Maine Mendoza. Sinamahan pa siya ng kanyang hubby na si Cong. Arjo Atayde na magpagupit kay Celeste Tuviera, na kung saan may pinost siyang video. Sumunod na IG post ni Maine kasama ang ilang photos, “hey shortyyyy #Celestified.” Ikinatuwa nga ito ng kanyang mga […]
-
P10.4 bilyon nawawalang ayuda itinanggi ng DSWD
Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’. Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund. “Nais din natin bigyan […]