• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM kumpiyansa ‘di magbabago relasyon ng PH at US sa Trump admin

Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos na walang magbabago sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng pagkakapanalo ni US President Donald Trump.Streaming service.

 

 

Sinabi ng Pangulo na matagal nang kaalyadong bansa ng Pilipinas ang Amerika kaya sa tingin nya ay hindi basta-basta magbabago ang relasyon ng dalawang bansa.

 

 

Una nang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos kay Trump, at looking forward na anya sya na makatrabaho ang US leader sa iba’t ibang usapin na parehong pakikinabangan ng US at Pilipinas.

 

Nabatid na may malalim na ugnayan ang Pilipinas at Anerika pagdating sa usapin ng defense and security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.

 

 

” I don’t think it will change. The… You know, the global forces that are – and you know, they are our oldest treaty – treaty partner, that doesn’t change. So, I will have to see if there is a major change, but I don’t think so. I don’t think so,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. (Daris Jose)

Other News
  • Sunog, sumiklab sa Condo sa Ermita

    SUMIKLAB ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga .   Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nang nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika -5 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St tabi ng Ayala bridge.   Dahil sa maagap na pagresponde ng mga […]

  • Ads May 11, 2022

  • LTFRB: Pinayagan ang nakatayong pasahero sa mga PUVs

    NAGLABAS  ng isang memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) na pinapayagan na magkaroon ng mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong transportasyon.       Kasama sa pinayagan ang mga pasahero sa mga buses at modern jeepneys. Ayon sa LTFRB ay naaayon ng payagan na magkaroon ng tayuan sa mga pampublikong transportasyon […]