• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU sinimulan na operasyon ng 2 water retention project

PAGAGANAHIN na ng Quezon City LGU ang dalawang malaking water retention project upang makatulong na maibsan ang matinding pagbaha sa Lungsod tuwing may bagyo.

 

Sa ginanap na QC journalist forum, sinabi ni Ms Peachy de Leon, spokesperson ng QC Disaster Risk Reduction Management office (QCDRRMO) na malaki ang posibilidad na mabawasan ang bilang ng mamamayan na maapektuhan ng pagbaha oras na gumana ang naturang mga proyekto.

 

Ang water retention project na nasa Pal­mera Homes Phase 2 sa Sta Monica sa District 5 at sa Gloria Court sa Tandang Sora sa District 6 at dalawa pa lamang sa apat na proyektong nakalinya na inilatag ng QC LGU para maibsan ang pagbaha sa QC. Dalawa pa rito ay ang Tuloy Daloy Drainage at Salong Tubig Project o catch basin na bahagi ng Drainage Master Plan ng QC LGU.
Kaugnay nito sinabi ni Councilor Charm Ferrer, chair ng Committee on Disaster Risk Reduction ang lungsod para sa pagtugon sa iba’t ibang kalamidad tulad ng training at seminar sa mga tauhan sa mga barangay at action center.

 

Upang maipatupad anya ang mga programa sa Disaster Preparedness ay naglaan ang QC LGU ng 5 percent sa kabuuang budget ng lokal na pamahalaan kada taon.

 

Mayroon din anyang 6 na permanent evacuation centers ang QC LGU na maaaring pansamantalang kanlungan ng mga apektado ng bagyo bukod sa mga covered court sa mga barangay at maging sa mga simbahan.

 

 

Aniya ang QC sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte ay ­laging handa na tumugon sa anumang kalamidad at pangangailangan ng QCitizen laluna kung may bagyo.

Other News
  • IT’S DO-OR-DIE FOR SUPER-VILLAINS IN “THE SUICIDE SQUAD” FIRST TRAILER

    THEY’RE dying to save the world!  Gear up for the first trailer of James Gunn’s “The Suicide Squad” which has just been revealed by Warner Bros. Pictures.     Check it out below and watch “The Suicide Squad” in Philippine cinemas this 2021.     YouTube: Red Band Full Length Trailer — http://bit.ly/thesuicidesquadfulltrailer     Facebook: […]

  • ‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH

    BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.   Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one […]

  • Malakanyang kay Roque: ‘We’re messengers, we don’t sell the President’

    PINALAGAN ng Malakanyang ang kamakailan lamang na sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na ang kanilang papel ay hindi para ibenta ang Pangulo o ang administrasyon kundi ang umakto bilang mensahero sa publiko.   Ang makasama aniya sa Presidential Communications Office (PCO) ay nangangahulugan na maging isang mensahero ng gobyerno sa publiko.   Ang pahayag […]