‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one seat apart.
“Pag tinignan natin, parang hindi naman natin in-ease yung mea- sure, itong paggagawa ng one seat apart,” wika ni Vergeire.
“So, kailangan lang po magkaroon ng message na mas maayos at mas maliwanag para sa ating mga kababayan, kaya ginamit ang one seat apart.”
Bagama’t hindi pa malinaw kung pasok pa rin sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) ang one-seat-apart rule, tiniyak ni Vergeire sa publiko na hindi magpapatupad ang pamahalaan ng patakaran na makasasama sa kalusugan ng publiko.
“Hindi po natin tinanggal na dapat merong distance between and among passengers in a specific transport vehicle. Ang ating ipapaliwanag at gustong iparating sa lahat ng ating mga kababayan, kailangan lang talaga mag-minimum health standards tayo,” ani Vergeire.
Nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na magsuot ng face masks at face shields, at bawal na bawal din ang pagkain at pagsasalita sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
“And of course, we remind the owners or the Department of Transportation to strictly enforce itong ventilation systems na pinalabas po natin para mas makaiwas pa tayo sa impeksyon,” dagdag nito.
Una nang nilinaw ng Malacañang na hindi pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga buong gabinete na “one seat apart policy” sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na payagan na ang isang upuang pagitang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Sec. Roque, saka pa lamang magiging epektibo ang nasabing pagluluwag sa public transport kung na-comply na ang publikasyon.
Maliban sa paglalathala sa official gazette, kailangan pa umanong bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
-
Marami pang maitutulong ang sports
MAY mga kakilala po akong taga-sports, mga atleta, businessman-sportsman, recreational athletes at iba ang tumutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng may mahigit apat ng quarantine sanhi ng coronavirus disease 2019 pandemic. Nakakausap ko po sila sa social media (socmed) sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakikita sa ilang post sa Instagram, Twitter at […]
-
Duterte dinoble ang insentibo ng mga SEA Games medalists
KAGAYA ng inaasahan, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash bonus ang mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dinoble ng Presidente ang insentibong matatanggap ng mga SEA Games medalists sa ilalim ng Republic Act 10699 […]
-
Ex-boxing champion Golovkin isusulong ang pagpapanatili ng boxing sa Olympics
HANDANG iligtas ni dating world champion Gennady Golovkin ang boxing para hindi ito tanggalin sa Los Angeles Olympics sa darating na 2028. Napili kasi si Golovkin bilang Olympic commision chair na siyang kakausap sa International Olympic Committee na huwag tanggalin ang sport na boxing sa Olympics. Giit nito na kaniyang prioridad na mapreserba ang boxing […]