• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

NANGAKO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.

 

Pinahintulutan kasi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masungit at masamang panahon.

 

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na noong siya ay Cavite governor ay ginagawa na niya ang pag-anunsyo ng suspensyon ng trabaho at klase isang araw bago pa dumating ang bagyo.

 

“When I was governor of Cavite, I was always a day ahead,” ang sinabi ni Remulla.

 

Aniya pa, gagamitin ang data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at maging ang US’ Joint Typhoon Warning Center (JTWC), Windy.app, at Japan Meteorological Agency para gumawa ng “forecast model” na siyang magiging basehan para sa pag-anunsyo ng suspensyon. (Daris Jose)

Other News
  • Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

    INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.     Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, […]

  • Pedicab driver nalambat sa Navotas, P380K shabu, nasamsam

    NASAMSAM sa isang pedicab driver na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang halos P.4 milyon halaga ng shabu matapos matimbog aa buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Jayson Gacayan, 42 ng Leongson St., Brgy. San Roque. Sa kanyang ulat kay […]

  • DOH nagdeklara ng Code White

    NAGDEKLARA na  ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.     Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga  abiso ng local government officials .     Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot […]