• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boyfriend ni NADINE na si CHRISTOPHE, itinangging ‘engaged’ na sila

MARAMI ang nagtanong na netizens kung engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Cristophe Bariou?

 

Matapos ngang i-post ng premyadong aktres ang love notes sa kanya ni Christophe.

 

“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ito ang nakakikilig na hand-written note kay Nadine.

 

Caption naman ni Nadine sa kanyang post, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness. ”

 

Pero paglilinaw si Christophe sa pamamagitan ng Instagram Live ni Nadine, “We’re not engaged.”

 

Ang naturang video ay sinabi ng aktres na, “And before we leave, one last thing…

 

“We’re not engaged!” Sabi ni Christophe.

 

“No, one last thing I do have coming out this is something three years na in the making and we’re keeping it secret this time pero malapit nang i-launch, so, I’m very excited to this project,” dagdag pa ni Nadine.
Kinukulit naman siya ni Christophe kung ano ito, “Basta, I don’t wanna say anything.”
Nag-IG Live daw si Nadine para pasalamatan ang brand partners niya at para sagutin ang mga tanong sa kanya ng fans.
Samantala, kahit na palaging magkasama ang dalawa sa Siargao ay bumabalik si Nadine sa Manila kapag may trabaho.
Kaabang-abang nga role ni Nadine sa “Uninvited” sa ang entry ng Mentorque Productions, Project 8 Projects at Warner Bros. sa 50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa December 25.
Sa November 20, sa magaganap na grand media launch ay tiyak na matatanong si Nadine sa role bilang Nicole na ipinasilip na sa teaser drop ng movie na kung lumalabas siyang anak ni Aga Muhlach.
Kasama rin sa “Uninvited” sina Tirso Cruz lll, Lolot De Leon, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Ron Angeles at Ms. Vilma Santos.
***

MAKALIPAS ang limang taon, mapapanood muli ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Again” na binigyan ng PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board MTRCB) galing kina MTRCB Board Members Katrina Angela Ebarle, Eloisa Matias at Maria Carmen Musngi.

 

Nabigyan din ng PG rating ang unang bersiyon nito noong 2019.

 

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang pelikula’y iikot sa muling pagkikita nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada at mapagtanto nila ang malaking pagbabago sa kani-kanilang buhay.

 

Rated PG din ang post-apocalyptic thriller na “Elevation,” na hango sa istorya ng isang ama na ginawa ang lahat para mailigtas ang kanyang anak.

 

Sa PG, kailangang may kasamang magulang o nakakatanda ang mga batang manonood na edad 12 at pababa.

 

R-16 naman ang “Sana: Let Me Hear” mula Japan dahil sa katatakutan na hindi bagay sa mga edad 15 at pababa.

 

Hinikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang pamilyang Pilipino na magpakasaya sa mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Ahensiya.

 

“Ating ipinapaalala sa mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata sa panonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio. “Hubugin natin ang kanilang kaisipan sa tamang direksiyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagpili nila ng mga pelikula na angkop sa kanilang edad.”

 

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC

    NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong […]

  • PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]

  • Bishop Blue nagwagi

    PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top […]