• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang rebisyon ng flood control masterplan ng Pinas

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na rebisahin ang flood control masterplan ng bansa para makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo.
Ang Flood Control Masterplan ng bansa ayon sa Pangulo ay dapat na marebisa kasabay ng climate change na gumagatong para maging malakas ang tropical cyclones.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Marcos na inatasan na niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para i-redesign ang flood control masterplan para tugunan ang pagbabago sa weather patterns.
“Ang bagyo ngayon ay iba na. May mga flood control tayo pero dahil sa mas madaming tubig na dulot ng pag-ulan, hindi na nakakayanan,” ang sinabi ng Pangulo sa naging talumpati nito sa Abada College Gymnasium sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ang Chief Executive ay nasa Oriental Mindoro para pangunahan ang ceremonial distribution ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng kamakailan lamang na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey).
“Kaya inatasan ko na rin ang DWPH, ang DENR at iba pang ahensya na rebisahin ang flood control masterplan upang makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo,” dagdag na wika nito.
Inatasan din ng Pangulo ang DILG at DENR na hikayatin ang local government units (LGUs) na gumamit ng geohazard maps ng DENR-Mines and Geosciences Bureau sa pagtukoy sa landslide-prone at flood-prone areas.
Inatasan din ng Chief Executive ang DPWH, Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at LGUs na tiyakin na ang mga lansangan tulay at iba pang imprastraktura ay “of high quality, safe and disaster resilient.”
Samantala, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo ng ‘public cooperation’ para mabawasan ang paulit-ulit na pagkawala ng buhay kapag mayroong tropical cyclones.
“Hinihimok ko rin ang ating mga kababayan na sumunod sa mga babala ng inyong lokal na pamahalaan para sa inyong kaligtasan, lalo na po roon sa mga kinakailangang lumikas. Batid namin na mahirap maiwan ang inyong bahay, mga pag-aari, ngunit huwag na pong mag-atubili na lumikas kung ito ay sasalba sa inyong buhay,”aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

    IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.     Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.     Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon […]

  • 2 snatcher arestado sa shabu

    SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa R.A 9165 ang naarestong mga suspek na si Rafael Damian, 21, ng 117 KKK St. Brgy. 150 at Richard Martinez, […]

  • Ads October 9, 2021