• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Mungkahi sa EDSA carousel modification, dapat pag-aralan

NAGBIGAY ng isang mungkahi ang Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng dalawang direksyon ang takbo ng mga buses sa EDSA Carousel upang maiwasan ang paggamit ng mga ilegal na mga sasakyan.
Subalit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagsabing dapat munang pag-aralan mabuti ang nasabing panukala kung ililipat ang lanes ng mga buses sa kabilang bahagi ng EDSA Bus Carousel kung saan magkakaron ng counter traffic flow.
“It was proposed to prevent the illegal entry of motorists to the busway and to make it safer for commuters,” wika ng DOTr.
Ayon naman kay MMDA chairman Romando Artes na ang nasabing mungkahi ay posibleng magawa subalit sa tingin niya ay posible rin na makapagdudulot ito ng mga aksidente ng mga buses sapagkat ang mga ito ay tatakbo ng palaban sa traffic flow ng mga ibang motorista.
“We really need to study it carefully. If you are not used to the traffic in Metro Manila or you did not expect that you have an upcoming vehicle towards you, it may cause accident and it will be a fatal one. It will be fatal one because both vehicles are moving,” sabi ni Artes.
Dagdag ni Artes na ang intensyon ng mungkahi ay maganda subalit kailangan pa rin na mabuting pag-aralan upang matimbang ang posibleng panganib na puwedeng idulot nito.
Ang nasabing mungkahi ay lumabas matapos ang isang kontrobersyal na pangyayari kung saan may isang SUV na pang-aari ng Orient Pacific Corporation ang gumamit at dumaan sa EDSA busway. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na nakausap na niya ang mga bus operators tungkol sa plano at sinabi nilang open naman sila sa ideya.
“We had a very good discussion about the possibility of moving direction of the busway that instead of going North on the right side, it can be moved to the left side. It is a good idea although we asked the opinions from the operators and told them to give us their positions. Initially, according to them it was a good idea,” saad ni Bautista.
Subalit, isang advocacy group na AtlMobility ang nagsabing dapat ang pamahalaan ay bigyan muna ng solusyon ang totoong problema sa EDSA. Ayon kay PH director ng AtlMobility Ira Cruz na dapat ay alamin muna ang talagang pinanggagalingan ng problema. Dapat tingnan ang compliance ng mga motorista o di kaya ay dapat ba na itaas pa ang multa ng mga hindi sumusunod na mga motorista. Kailangan din na paigtingin ang aspeto sa enforcement ng mga traffic enforcers.
Nagpayag din si transport expert Engr. Rene Santiago na dapat ay masusing pag-aralan ang panukala dahil talagang magreresulta ito sa mas madaming head-on collision ng mga sasakayan.
“It is the wrong solution to the wrong problem. If the problem is about intrusion, it will not disappear. The worst, it could increase the risk of head-on collision. It was forced,” ayon kay Santiago.
Ang EDSA busway ridership ay may naitalang 51,722,507 na ridership mula January 1 hanggang October 31, 2024 ayon sa datus ng DOTr Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT).  LASACMAR
Other News
  • Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

    PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’       Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.       Ayon kay Jon, abangan daw ang […]

  • “Bob Marley: One Love” – A Cinematic Tribute to the King of Reggae

    DISCOVER the heart and soul of Bob Marley in the groundbreaking film “Bob Marley: One Love.” Experience the unseen facets of Marley’s life and legacy in theaters starting March 13, 2024.   Bob Marley’s unparalleled influence on music and culture continues to resonate across the globe, and the much-anticipated film, “Bob Marley: One Love,” promises […]

  • Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya

    NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa.     Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3.     Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]