Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.
“Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa isang media interview.
Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano ito gagalaw kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong itong pera.
Giit ng dating Pangulo na “Malacañang-sponsored” ang pag-atake sa kanya ni Trillanes.
Binanggit ito ni Digong Duterte sa isang phone call sa kanyang legal counsel Salvador Panelo, na naka-aired live sa social media.
Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Digong Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.
Sa ulat, halagang uminit ang ulo ni dating pangulong Duterte sa pagdinig sa Kamara nitong Miyerkules matapos siyang akusahan ng isang dating senador na nagbenepisyo ng pera mula sa ilegal na droga.
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi tutulong bagamat hindi rin haharangin ng gobyerno ang International Criminal Court kung gustong magpaimbestiga ni Digong Duterte. (Daris Jose)
-
Mahigit na 40,000 COVID-19 death toll sa PH – DOH
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Mas mababa ang naturang datos kumpara sa halos nakalipas na dalawang buwan. Kaugnay nito, ang kabuuang mga kaso sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,690,455. Samantala lumagpas naman sa 40,000 […]
-
Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC
HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers. Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor. Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga […]
-
Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’
HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber. Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon. Isang Twitter user ang nagbahagi rin […]