• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 na tulak nalambat sa Navotas drug bust, higit P.2M droga, nasamsam

AABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 55-anyos na ginang matapos matimbog ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas plice chief P/Col. Mario Cortes na alas- 1:39 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. Bangkulasi, sina alyas “Apeng”, 38, at alyas “Jepoy”, 31, kapwa ng lungsod.

 

Ani SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr., nakumpiska nila sa mga suspek ang abot 10.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P69,836.00 at buy bust money.

 

Dakong alas-12:55 ng hating gabi nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Matangbaka St., Brgy. NBBS Dagat dagatan, sina alyas “Jun”, 34, at alyas “Vicky”, 55, at nakuha sa kanila ang nasa 10.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P71,264.00.

 

Nauna rito, nakalawit naman ng mga tauhan ni Capt. Rufo sa buy bust operation sa Lourdes Compound, Brgy. Daanghari bandang alas- 2:41 ng madaling araw sina alyas “Bay”, 32, at alyas “Chukoy”, 34. Nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 10.28 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P69,904.00 at buy bust money.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Navotas police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Isang araw bago ang Mother’s Day: VALERIE, kinumpirma na buntis at ipinakita ang baby bump

    KINUMPIRMA ni Valerie Concepcion na buntis siya sa kanyang asawang si Francis Sunga, isang araw bago ang Mother’s Day.     Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Valerie ang ilang larawan na hawak niya at ni Francis ang ultrasound, pati na rin ang kaniyang baby bump.     “One is great, two is fun, so why […]

  • Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

    Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya […]

  • ABOITIZ GROUP, nagpahayag ng suporta sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos

    NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang private holding company na Aboitiz Group sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos partikular na sa “energy at water solutions development.”     “We’ve had our past and we still have our future and we look forward to align ourselves whole heartedly with President Marcos Jr.’s agenda on infrastructure. We started in […]