Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya na bumuo ng mga bagong proseso at tiyakin ang maayos na pagpapatupad sa bagong polisiya sa loob ng tatlong buwan.
“The move will complement other health protocols now being enforced by the government, such as physical distancing, as it aims to limit human intervention and remove the traffic queuing and congestion at the toll plazas,” ayon pa sa DOTr.
Ayon sa DOTr, sakop ng department order ang Toll Regulatory Board (TRB), na inatasan na bumuo ng mga rules and regulations na nagre-require sa mga concessionaires at operators ng mga toll expressways na tuluyan nang gumamit ng electronic toll collection system; gayundin ang Land Transportation Office (LTO), na inatasan na magsumite ng pag-aaral para maghanap ng mga pamamaraan upang mapayagan ang full Cashless at Contactless System sa mga expressways.
Samantala, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inaatasan din namang i-monitor ang pagsunod ng lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa mandatory use o installation ng electronic tags o paggamit ng iba pang cashless systems sa kanilang mga units. (Ara Romero)
-
Mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindanao, nalinis na ng gobyerno
UMABOT na sa mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindoro ang nalinis ng gobyerno. Iniulat ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na sa 74.71 kilometro ng apektadong coastline, 62.95 kilometro o 84.26% ang nalinis na “as of May 10, 2023.” […]
-
EDITORIAL PCUP todo-suporta sa programang ‘Buhay at Bahay Program’
NANGAKO ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr., na susuportahan ang ‘Buhay at Bahay Caravan’ ni QC 2nd District Councilor Mikey Belmonte, matapos ang isinagawang Memorandum of Understanding signing na ginanap noong nakalipas na Biyernes. Alinsunod sa agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na iangat ang […]
-
BARBIE, itinuturing na ‘lucky charm’ ang boyfriend na si JAK
NAGPASALAMAT si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinuturing niyang lucky charm ang actor. Sa interview ni Barbie sa 24 Oras, inihayag niyang simula nang maging sila ni Jak three years ago, nagkasunud-sunod na raw ang kanyang mga projects. “Tulad po ngayon na magtatapos pa […]