3 puganteng SOKOR, inaresto ng BI
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pag-operate ng illegal gambling site sa internet.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay inaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga miembro ng bureau’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila.
Unang inaresto si Kim Heechui, 36 sa BF Homes, Parañaque City habang si Seo Min, 30, at Kim Yongsu, 45, ay inaresto sa loob ng kanilang condominium unit sa Scout Grandia sa Diliman, Quezon City.
“They will also be placed in our blacklist of undesirable to make sure they won’t be able to come back to the Philippines,” ayon sa BI Chief.
Ayon sa BI-FSU, si Kim ay wanted ng Interpol, ay may arrest warrant na inisyu noong May 2021 ng Jeonju district court sa Korea sa paagbubukas at pag-operate ng isang online gambling site.
Inisyuhan naman ng warrant of arrest ng Incheon District court noong May 2023 dahil sa pagpapatakbo ng illegal gambling website sina Seo Min at Kim Yongsu.
Ang mga website operator ay kumita umano ng 2 trillion won, o US$1.4 million mula sa kanilang illegal activities. (GENE ADSUARA)
-
“Halloween Ends” Brings Back Jamie Lee Curtis In Her Iconic Role
AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12. “Halloween Ends” brings back Jamie Lee Curtis in her iconic role as Laurie Strode as she faces off for the last time against the […]
-
Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang
MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang […]
-
Pagpapalakas sa national security at economic development ngayong natitirang sesyon
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Martes na pagtutuunan ng pansin ng kamara ang lehislasyon ukol sa pagpapalakas ng national security at economic development sa natitirang sesyon ng 19th Congress. “As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust […]