Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
MAAARI ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.
Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.
Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.
Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.
Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.
Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.
-
PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur
NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur. “Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon […]
-
525,600 na AstraZeneca COVID-19, gagamitin bilang first dose sa lahat ng frontline workers
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng lahat ng na 525,600 na AstraZeneca COVID-19 na nakuha ng Pilipinas bilang donasyon mula sa COVAX facility para gamitin bilang first dose para sa mga frontline workers. Binasa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Memorandum mula sa Office of the Executive ecretary (OES). […]
-
Yulo lilipad sa Japan sa Oktubre 14
NAKATAKDANG magtungo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan para pasalamatan ang mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon. Tutulak sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar. Makikipagkita si […]