• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang

TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang.

 

Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan.

“Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Batid aniya niya na tutol si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pahayag na ito ng Pangulo subalit iyon aniya ang posisyon ng Chief Executive.

“I know that Sec. Dominguez has expressed a different view but as a Spokesperson, i just have to repeat what the President has said. Iyon po ang sinabi ng Presidente, kung kinakailangan ibenta iyong mga ari-arian na iyan, ibebenta para sa taumbayan, doon na lang po iyon,” aniya pa rin.

Nauna rito, umapela si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na ibenta na lamang ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang upang makalikom ng dagdag na pondo pantugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kulang daw aniya kasi ang P140-bilyong inilaan ng mga economic manager sa ikalawang stimulus package.

Mas mabuti na aniya ang magbenta ng mga ari-arian ng pamahalaan na wala namang pakinabang kaysa mangutang.

Batay sa inihain nitong Senate Bill 1646 na Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) act, nais nitong bumuo ng specialized asset management corporation na siyang maglilinis sa mga pagkakautang at hindi mapakinabangang mga ari-arian ng mga lending institutions.

Aniya, makakatulong ang mga fist corporations na dagdagan ang pondo ng gobyerno sa pagtugon sa crisis bunsod ng COVID-19.

Giit pa nito na tila virus ang mga hindi nababayarang utang at iba pang non-performing asset na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic

    Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics.   Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo.   Dagdag pa nito na wala pa kasi […]

  • Malaking opportunity ito para sa Kapamilya actress: DIMPLES, isa sa napiling maging juror para sa ‘International Emmy Awards’

    PARANG negative sa ilan base sa nababasa naming comments at naririnig ang pag-attend ng Kapuso star na si Sanya Lopez sa ginawang oathtaking ng bagong Vice President ng bansa simula sa July 1 na si Sara Duterte.     Sa Davao pa ang oathtaking at kasama ng ilang big bosses ng GMA-7 ay tila very […]

  • ZACHARY LEVI RETURNS AS “SHAZAM!” IN THE EPIC SEQUEL “FURY OF THE GODS”

    THE all-new epic adventure “Shazam! Fury of the Gods” marks the supercharged return of Zachary Levi as Shazam, the irreverent yet sincere, wise-cracking teen-turned-DC Super Hero who—along with his Shazamily—must harness their extraordinary superpowers to face off against the Daughters of Atlas.      This trio of fierce Greek goddesses and their monsters will stop […]