• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 COVID-19 vaccines na ang may aplikasyon para sa clinical trial sa Pilipinas: DOST

TATLONG bakuna laban sa COVID-19 ang nangunguna ngayon aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.

 

Ang gawa ng Gamaleya Research Institute na Sputnik V mula Russia, at mga gawa ng kompanyang Sinovac mula China at Janssen Pharmaceutica sa Belgium.

 

“Nag-submit na pero kumpleto ang documents nila. So tatlo so far ang already in the process of application sa ating FDA (Food and Drug Administration,” ani Dr. Jaime Montoya, ang executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).

 

Hindi pa tiyak kung kasali ang bakuna ng tatlong institusyon sa isasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO), dahil hindi pa naglalabas ng listahan ang international body.

 

Nitong Linggo sinabi ng WHO na posibleng bago matapos ang 2020 ay may available nang bakuna ng COVID-19.

 

Pero ayon kay Dr. Montoya, naka-depende sa resulta ng mga isinasagawang clinical trial sa buong mundo ang availability ng bakuna sa publiko.

 

Ilang bansa na rin kasi ang nauna nang magsagawa ng huling antas ng clinical trial, at kung matatapos sila bago magsara ang 2020, sa unang quarter ng 2021 pa magiging available ang kanilang mga datos.

 

“Kailangan matapos muna ang Phase 3 clinical trials. Kapag natapos ito, ia-approve ng kanilang FDA sa kanilang bansa, at only kapag na-approve ng kani-kanilang FDA, pwede sila mag-submit sa ilang mga FDA na outside ng kanilang bansa, kabilang na ang Pilipinas.”

 

Sa resulta rin ng isinagawang trials naka-depende ang mga bakunang mapipili sa inisyatibong COVAX Facility. Sumali rito ang Pilipinas, at pangako ng pasilidad ang patas na distribusyon ng bakuna sa bawat sumaling estado.

 

Ayon sa Western Pacific regional office ng WHO, posible na sa huling bahagi pa ng 2021 magiging available ang unang dalawang bilyong dose ng mga bakuna sa COVAX Facility.

 

“Generally, when we are go- ing to look into the target of COVAX, its by the end of 2021 that they are trying to come up with the first two billion doses that will be allocated to all countries who will be participating,” ani Dr. Socorro Escalante.

 

Sa ngayon, pinag-iingat pa rin ng WHO ang publiko habang naghihintay ang buong mundo sa ligtas at epektibong bakuna. (Ara Romero)

Other News
  • DOTr nagbago ang plano para sa MRT 3 at LRT 2

        NAGBAGO ang plano ng Department of Transportation (DOTr) para sa unang napagplanuhan na isasapribado ang operasyon at pagmintina ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang isang bundle na lamang.         “We are having second thoughts on whether the concession should be bid […]

  • Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg

    MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration  sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.     Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, […]

  • Dahil sa P10 milyong halaga ng libro na pinondohan ng OVP… VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing

    NAGKASAGUTAN sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon.         Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni […]