• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang

Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials.

 

Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga.

 

“Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting their status. We need to improve home- and community-based healthcare,” ani Hontiveros sa pahayag.

 

“Imbes na pulis, mas kinakailangan ang mga doktor at health workers sa barangay at mga kabahayan. We need more and better barangay-based healthcare, not this,” dagdag pa nito.

 

Ito ang naging reaksyon ng senadora makaraang

 

Samantala, nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na pangungunahan ng mga local health officials ang naturang programa at aasistihan lamang ng mga pulis.

 

“Ang ating kapulisan naman ay mag-a-assist lang sa kanila para sigurado na ma-implement ang lockdown at sigurado din na maayos naman ‘yung paglilipat ng ating mga positive patients.”

Other News
  • Bucor Director Bantag, suspendido

    SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.     “I went […]

  • Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

    SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto. Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline. Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, […]

  • Dahil sa malicious statements and innuendos: DOMINIC, nagsampa na rin cybel libel case laban kay CRISTY

    NAGSAMPA na nga ng kasong cyber libel ang aktor na si Dominic Roque laban sa showbiz columnist at host na si Cristy Fermin.         Sa huling araw ng Mayo, nag-file ng kanyang kaso ang aktor sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City base na rin sa report ni Nelson Canlas. […]