Nagtataka rin kung saan nanggaling ang lakas niya: NOVA, pitong taon nang nag-aalaga ng bedridden na asawa
- Published on November 18, 2024
- by @peoplesbalita
TINANONG namin si Nova Villa na isa sa bident ng ’Senior Moments’ kung ano ang sekreto ng longevity niya sa showbiz, na hanggang ngayon ay aktibo siya sa pelikula at telebisyon?
“Up to now, iyon din ang tinatanong ko sa sarili ko e,” sabi ng beteranang aktres.
“Well, it’s… the only answer I could say is it’s a blessing, you know?
“And talaga ang Diyos mabait because He knows ang pangangailangan mo. Like I have my husband, I’m taking care of him, may edad na rin naman kami.”
May sakit ang asawa niya.
“Na-stroke, and then, of course, sa mga prayers na magpatuloy, kung gusto pa ni Lord, na ako maging artista pa, to help me dahil may mga pangangailangan din. So I can feel, I can feel the grace, the blessing.
“May 7 years na siyang bedridden,” pahayag ni Nova.
Hindi na raw ito nakapagsasalita.
“No, ano lang, reaction lang, pag nakikita niya ako, umiiyak, parang baby, ganun.”
Kahanga-hanga si Nova na sa loob ng pitong taon, sa edad niya, ay nakakaya pa niyang alagaan ng kanyang asawa?
“Kaya nga magtataka ka, saan galing,” pakli ng aktres.
Ano naman ang masasabi niya sa nagbibida pa siya sa pelikula, tulad nga dito sa ‘Senior Moments’ kasama sina Noel Trinidad at Tessie Tomas.
“Kahit ako nga nagtataka e, and the only words I can say is, ‘Thank you, Lord’.
“Alam ko naman, napi-feel naman natin yun e, alam naman natin yun, kaya siguro, probably I have done something good.”
Mayroon ba siyang sekreto, tulad sa kanyang diet o exercise?
Lahad niya, “Hindi. Hindi ako ganyan. Actually, matakaw ako, gusto ko kumain, but at this age, may nararamdaman ako, na less na ang food intake.
“Hindi katulad nun, sige-sige, kain lahat, ngayon hindi na.”
Nakatutuwa ang sagot niya sa tanong namin kung ano ang paborito niyang kainin?
“Pritong baboy, cochinillo, de leche,” ang tawa ng tawa niyang sinabi.
Bagaman kumakain pa rin daw siya ng mga paborito niya ay may pagbabago na.
“Medyo bawas na.
“Pagdating sa exercise, kiti-kiti ako. Naglilinis ako ng kuwarto, naglilinis ako ng banyo, ano pa? Kaya lang medyo ano ka na rin dahil… ang mga buto, maluluwag na, delikado na, ganun.”
Marami na siyang nakakatrabahong mga kabataang artista ngayon; ano ang nakikita niyang pagkakaiba ng mga artista ngayon sa kanila noong araw?
“Hindi ko alam ha, kasi eto teenager ‘to, hindi ko puwede i-level yung ano ko, kahit papaano may pagkakaiba pa rin yung mga artista noon at saka ngayon.
“But you know, normal lang yun kasi umiikot ang mundo, nagbabago lahat.”
Ang teknolohiya ang isa sa malaking pagbabago.
“Yes, wala tayo niyan noon.
“Wala, so ngayon talaga…kaya kahit ako nasa-shock pag napapanood ko itong mga bagets ngayon, talagang ako’y mangha ba?
“Kasi wala sa amin nung mga ganyan noong araw.”
Wala silang social media platform tulad ng TikTok.
“Wala, wala yan. Mas tamed noong araw, basta’t sila, magaganda sila noong araw, mga Gloria Romero, Amalia Fuentes, mga ganyan.”
Sa ‘Senior Moments’ na mula sa A & S Production at sa direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan, ano ang maasahan ng mga manonood?
“Meron din ano, a little of comedy, hindi naman nawawala yun, pero more on the buhay ng isang senior and this really happens. Magandang mapanood ng mga senior, e.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students. Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance. Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at […]
-
PAGGAMIT NG OXYGEN SA BAHAY, DOH NAGBABALA
NAGBABALA ang Department of Health o DOH sa publiko hinggil sa paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay, sa gitna pa rin ng tumataas na mga kaso ng COVID-19. Sinabi ni DOH Usec at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, mayroong tamang paggamit ng oxygen level base sa kondisyon ng pasyente. Paliwanag ni Vergeire, […]
-
Ka-duet pa si Matteo para sa sikat na kantang ‘The Gift’: SARAH, natuloy na rin ang much-awaited collaboration sa American songwriter na si JIM
NANGYARI na nga ang much-awaited collaboration ni Sarah Geronimo sa American pop songwriter na si Jim Brickman at ka-duet pa niya si Matteo Guidicelli. Sa latest vlog ni Sarah, makikita na nakikipag-usap sila ng asawang si Matteo over the phone sa sikat na pianist at radio host din. Say ni Jim, […]