• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miss Denmark Victoria, first Miss Universe ng kanilang bansa: CHELSEA, nabigo man pero tinanghal na first ‘Miss Universe Asia’

BIGO na mauwi ni Miss Philippines Chelsea Manalo ang korona sa ginanap na 73rd Miss Universe sa Arena CDMX in Mexico City.

 

Si Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig ang nagwagi at kinabog niya ang 125 delegates. Ito ang unang pagkakataon na manalo ang Denmark sa naturang pageant.

 

Ang mga runners-up niya ay sina Miss Nigeria Chidimma Adetshina (1st); Miss Mexico María Fernanda Beltrán (2nd); Miss Thailand Opal Suchata Chuangsri (3rd) at Miss Venezuela Ileana Márquez 4th).

 

Umabot lang si Chelsea sa Top 30 semi-finalists.

 

Samantala, sa ginanap na presscon after ng competition, in-announce ang winners ng four Continental Queens.

 

Gumawa nga ng history si Chelsea dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe Asia.

 

Ang first runner-up na si Miss U Nigeria ang napiling MU Africa and Oceana.

 

Si Miss U Finland Matilda Wirtavuori naman MU Europe and Middle East at si Miss U Peru Tatiana Calmell naman nagwaging MU Americas.

 

Makakasama ang four Continental Queens sa pag-iikot ni Miss Universe Victoria sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

***

 

BIKTIMA na rin ang Pinay Broadway star na si Lea Salonga ng fake fan page sa Facebook.

 

Nagbigay babala sa publiko ang Tony Award-winning actress na hindi niya authorized ang isang fan page sa FB, kaya nakikiusap ito sa netizens na i-report at i-block ang naturang account.

 

“This is not me. I have only two accounts on Facebook: this personal one and the official one. Any account besides these two that purport to be me is not me. Report and block. I also saw a sample message sent to a friend. God, it’s rife with grammatical errors,” mensahe ni Lea.

 

Pinaalala pa ni Lea na dalawa lang ang kanyang official Facebook accounts. Isa ay verified personal account at yung pangalawa ay ang official Facebook page na may 2.1 million followers.

 

***

 

TINANGHAL na ‘2024 Sexiest Man Alive’ ng People ang actor-director na si John Krasinski.

 

Ayon sa aktor: “That’s not how I wake up, thinking, ‘Is this the day that I’ll be asked to be Sexiest Man Alive?’ And yet it was the day you guys did it. You guys have really raised the bar for me.”

 

Married si John sa aktres na si Emily Blunt at may dalawa silang anak. Dinirek niya si Emily sa suspense-thrillers na A Quiet Place (2018) at A Quiet Place Part 2 (2020).

 

Unang nakilala bilang comedian si Krasinski sa hit sitcom na The Office (2005-2013). Lumabas siya sa mga pelikulang Leatherheads, Away We Go, It’s Complicated, Something Borrowed, Promised Land, Big Miracle at 13 Hours: The Secret of Benghazi.

 

Nagbida rin si Krasinski sa spy thriller series na Jack Ryan sa Amazon Prime.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 12 NANALONG SENADOR, HANDA NG IPROKLAMA

    HANDA  na ang Commission on Elections na iproklama ang mga nagwaging mga senador sa katatapos lamang na May 9 elections matapos matukoy na ang Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga lugar na nagsagawa ng special election o hindi pa nagsasagawa ng halalan ay hindi na makakaapekto sa pangkalahatang senatorial rankings.     Ayon kay […]

  • Indemnity agreement, hindi lang para sa Pilipinas kundi pambuong mundong kasunduan-Malakanyang

    ITINANGGI ng Malakanyang na tanging ang Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga […]

  • Takot sa COVID-19, nabawasan

    KAPANSIN-PANSIN na nabawasan na ang takot at pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).   Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit saan mang kalsada.   Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na […]