Never nayanig ang relasyon dahil sa ’third party’: BIANCA, hindi na sana nag-aartista kung seloso si Sen. SHERWIN
- Published on November 20, 2024
- by @peoplesbalita
KINUWENTO ni Bianca Manalo kung papaano sila nagkakilala ng kanyang boyfriend na si Senator Sherwin Gatchalian, at kung gaano katagal naghintay ito bago niya sinagot.
Ayon sa former Bb. Pilipinas-Universe 2009, una siyang nakita ni Sherwin na mayor pa lang noon sa pinagbidahan niyang teleserye na ‘Juanita Banana’ noong 2010.
“So, na-meet niya ako, mayor siya nun, so ‘di ko siya pinansin. Tapos biglang naging single ako ulit, so congressman na siya nanliligaw siya ulit. Sabi ko, ‘Ang kulit naman nito,” kuwento ni Bianca.
Nang pumanaw ang kanyang ama, sinabi ni Bianca na si Sherwin ang unang nagpadala ng bulaklak at nasa lamay ito gabi-gabi.
“Sabi ko, ‘Ay ang bait naman,’ pero hindi ko pa rin siya sinagot,” sey ni Bianca na bilib sa pagiging masigasig ni Sherwin sa panliligaw.
Nang maging single muli si Bianca, sinagot na niya si Sherwin na senador na noon.
“Very persistent and very humble tsaka very gentleman and very mild-mannered. Kung ano ‘yung iningay ko, siyang tinahimik niya, so balanced namin dalawa,” ayon kay Bianca.
Never daw nayanig ang relasyon nila ng senador dahil sa third party.
“Never. Kaya ko nga love ‘yon kasi nga ang talagang kalaban ko sa kanya, trabaho.
Sana hindi na ‘ko artista kung seloso ‘yun. Ito kasi ‘yung craft ko eh, so he allows me to enjoy whatever I love doing,” sey ni Bianca.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Mekaniko kalaboso sa motornaper
ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block […]
-
June 28, 2024 6th Navoteño film festival at 5th Navoteño photo competition
KASAMA si Mayor John Rey Tiangco, masayang nagpakuha ng larawan ang mga Navoteñong nagwagi ng award matapos ang kanilang ipinakitang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa ginanap na 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod […]
-
ASEAN, dapat na magpakita ng “commitment” sa free trade-PBBM
DAPAT nang magpakita ng kanilang commitment ang ASEAN member states para sa prinsipyo ng free trade o malayang kalakalan. Ang malayang kalakalan ay isang patakaran kung saan ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok sa mga […]