Mekaniko kalaboso sa motornaper
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.
Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i- nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23, at Jeno Ponce, 28, fast food crew, kasama ang kanilang mga saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.
Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng NPD-DACU sa Caloocan Police Sub-Station 9 at Sub-Station 13 at sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad itong pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay.
Pagdating sa naturang lugar, namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo subalit nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga operatiba ay agad itong tumakas papasok sa kanilang compound na naging dahilan upang magkaroon ng hot-pursuit operation hanggang sa makorner si Sinepete.
Narekober ng mga pulis ang tatlong nakaw na motorsiklo kabilang ang motorsiklo ni Busa at Ponce habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang kasabwat umano ng suspek.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti- Carnapping Law of 2016). (Richard Mesa)
-
Eala itutuloy ang astig sa taong 2021
MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala. Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19. Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth […]
-
PDu30, pinuri ang DPWH sa Saraiya Bypass Road project
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at project partners nito para sa pagtatapos ng Saraiya Bypass Road project. Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang pagpapasinaya sa Sariaya By-Pass Road Project sa Brgy. Isabang, Lucena City ay sinabi ng Pangulo na ang achievement na ito ay patunay ng “strong commitment” […]
-
Pacquaio vs Garcia pinaplantsa
SA matunog na upakan nina eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia nitong mga nagdaang linggo, ibinunyag naman nitong Biyernes ni MP Promotions President Sean Gibbons ang pagsisimulan ng usapan negosasyon ang dalawang kampo. “They are ongoing and hopefully things will workout,” […]