Indonesia, pumayag na ilipat si Mary Jane Veloso sa Pinas-PBBM
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
PUMAYAG ang Indonesian government sa naging kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan.
“Mary Jane Veloso is coming home,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas.
Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto ng napakarami at dekadang diplomasya at konsultasyon.
“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” ang sinabi ng Pangulo.
Si Veloso ay inaresto sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng suitcase na may laman na 2.6 kilograms ng heroin at kalaunan ay sinentensiyahan ng kamatayan.
Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa kanyang counterpart na si President Prabowo Subianto at sa Indonesian government para sa kanilang “goodwill.”
“This outcome is a reflection of the depth of our nation’s partnership with Indonesia – united in a shared commitment to justice and compassion,” ang sinabi ng Chief Executive.
“Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home.” ang masayang sinabi ng Pangulo. (Daris Jose)
-
ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA
IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games. Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021. Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng […]
-
Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL
MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad. Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi […]
-
Ads February 16, 2023