• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1M pabuya ukol sa misteryosong ‘Mary Grace Piattos’

NAG-ALOK ang ilang lider ng Kamara ng P1 milyong pabuya para sa impormasyon sa isang “Mary Grace Piattos,” na siyang lumitaw na pangalan sa kahina-hinalang liquidation documents kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong government funds ni Vice President Sara Duterte.

 

“Kami sa Blue Ribbon Committee at Quad Committee, aming binibigyan ng importansya na kailangan dumating ‘yung mga ipinatawag natin, lalong-lalo na pati ‘yung mga pumirma sa acknowledgment receipts,” ayon kina Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V.

 

“So nag-usap-usap kami, boluntaryo, na magbibigay kami ng pabuya na P1 milyon sa kung sinumang makakapagsabi o makakapagbigay ng impormasyon kung sino si Mary Grace Piattos,” dagdag ng mga ito.

 

Naging palaisipan sa mga mambabatas ang tunay na pagkatao ni Mary Grace Piattos, na maihahalintulad sa pinagsamang pangalan ng isang sikat na restaurant at isang local snack brand.

 

Sinabi ni Khonghun na si Piattos umano ang nakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) noong December 2022.

 

“Si Mary Grace Piattos kasi ‘yung may pinakamalaking nakuha dun eh. We want to set an example, we want to know the truth. Kasi it follows na ‘pag wala si Mary Grace Piattos, sigurado halos lahat ng tao na nandun is fictitious na,” dagdag ni Khonghun.

 

Kaugnay ito sa 158 acknowledgment receipts na nakasama sa liquidation reports na isinumite ng the OVP sa Commission on Audit (COA). Pinagsususpetsahan ng mga mambabatas na dinoktor o madaliang iprinepara ang naturang mga resibo para mabigyang paliwanag ang P125 million confidential funds naginastos sa loob lamang ng 11 araw.

 

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Committee on Good Government and Public Accountability kung papaano ginamit ng OVP at Department of Education ang total na P612.5 million na confidential funds noong 2022 at 2023, sa ilalim ng pamunuan ni Duterte bilang Vice President at Education Secretary. (Vina de Guzman)

Other News
  • Bianca, gustong i-feature ang ‘journey’ ni Vhong: Success story ni MADAM LYN, sobrang nakaka-inspire

    WINNER na winner ang grand launch ng TOP SHELF Magazine na ginanap sa Quezon 2 & 3 function rooms ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Linggo, Abril 2.   Proud na proud ang newest business and lifestyle magazine sa pagpi-feature nang nakaka-inspire na TOP entreprenuers at professionals na pina-publish ng Velvet Media Inc. […]

  • Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel

    MAAARING  gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado.     “Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of […]

  • DOTr naghahanap ng consultant na gagawa ng Davao bus transit system

    NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City.       Sa isang request ng expression ng interest mula sa DOTr, hinihingan ang mga consultancy firms na mag submit ng kanilang qualifications upang silang mangasiwa sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP). […]