Rafael Nadal binigo ni Zandschulp sa Davis Cup
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
NABIGO si Spanish tennis star Rafael Nadal sa huling professional match nito sa Davis Cup.
Tinalo siya ni Botic van de Zandschulp mula sa Netherlands sa score na 6-4, 6-4.
Ang 38-anyos na si Nadal ay nag-anunsiyo na siya ay magreretiro kapag natapos na ang Davis Cup.
Ito lamang ang kaniyang pang-24 match mula ng magsimula ang 2023 matapos ang halos isang taon na hindi paglalaro dahil sa hip injury.
Sinamantala ni Van de Zandschulp ang double fault at double unforced errors ni Nadal.
Kailangan na lamang manalo si Carlos Alcaraz para mabuhay ang tsansa ng Spain sa torneo.
Walong bansa ngayon ang naglalaban-laban kasi sa Davis Cup sa Malaga, Spain at ang finals ay gaganapin sa araw ng Linggo.
-
Bella Belen nakatutok sa UAAP crown
Desidido si reigning UAAP MVP Bella Belen na tulungan ang National University na makopo ang back-to-back titles sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament. Nasa alapaap pa ang Lady Bulldogs matapos makumpleto ang three-peat sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship. Naisakatuparan ito ng NU nang pataubin nito ng […]
-
Kasalang LUIS at JESSY, pinilit maging sikreto pero lumabas pa rin at maraming nakahula
SA totoo lang, hindi na kami nagulat at tingin din namin, sampu ng netizens na isang buwan na palang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Gaano man nila pinilit na maging pribado at sikreto ito na ginanap sa The Farm at San Benito noong February 21 ng taong ito, may lumabas pa […]
-
April opening target ng NCAA
Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan. Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat. Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]