April opening target ng NCAA
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan.
Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat.
Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na target nitong umpisahan ang Season 83 sa naturang buwan.
Nakalinya rin ang PBA na puntiryang simulan ang Season 46 sa Abril 9.
Gayunpaman, pareho ang NCAA at UAAP sa panuntunang “no vaccine, no play” dahil prayoridad ng dalawang collegiate leagues ang kaligtasan ng lahat ng student-athletes, coaches at opisyales.
Pero dahil abot-kamay na ang vaccine na posibleng tumuldok sa krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19), inihahanda na rin ng NCAA ang posibleng pagbabalik-aksyon nito sa 2021.
Kaya naman bumubuo na ng sariling bubble concept ang NCAA na posibleng gamitin nito sa Season 96 kung saan pinag-aaralang gamitin ang mga pasilidad ng mga member schools.
“Pwede ring school-based siya at apply natin dun ‘yung bubble principle. More or less, ganun ‘yung idea,” ani NCAA President Fr. Vic Calvo, OP ng Letran sa programang Power and Play. Nasa planning stage na ang liga.
Kabilang na ang pagpaplano sa apat na mandatory sports na basketball, volleyball, athletics at swimming na mga events na inaasahang tutukan ng husto sa TV coverage ng bagong broadcast partner ng NCAA na GMA-7.
Magiging mabusisi ang NCAA Management Committee dahil kailangan pumasa ang bubble concept nito sa standards ng Inter-Agency Task Force lalo pa’t mga student-athletes ang pinag-uusapan.
-
Legaspi pang-13 sa Cactus
LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States. Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]
-
Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC
TINATAYANG umabot sa mahigit 60,000 mga Pilipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) noong Sabado (Abril 9) para ipakita ang kanilang pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III. Tinaguriang ‘Pure Love’ ang nasabing […]
-
Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president
Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments. Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]