• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, nanindigang hindi dumaan sa kanya ang mga dokumento na pirmado ni ‘Mary Grace Piattos’

NANINDIGAN si Vice President Sara Duterte na hindi dumaan sa kaniya ang mga dokumento kaugnay sa mga paggastos ng confidential fund dahil ito ay direktang isinusumite sa Commission on Audit (COA) ng kanilang special disbursing officer (SDO).

 

 

Sinabi nito na hindi ito magkokomento sa pinaghahanap na si Mary Grace Piattos na siyang pumirma ng mga dokumento.

 

 

Hindi aniya nila alam kung paano ang proseso sa pagbibigay ng kopya ng mga acknowledgment receipts na isinumite sa COA patungo sa House of Representatives.

 

 

Reaksyon ito ng bise presidente na may alok na P1-milyon na reward ang House of Representatives para mahanap si “Mary Grace Piattos” na nakapirma sa confidential funds ng kanyang tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group

    Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.     Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat […]

  • DILG Asec, inanunsyo ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) […]

  • National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

    Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.     Lalahok ang mga […]