• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkamatay ng PNPA cadet, pina-iimbestigahan ni PNP chief

Ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni PNPA 4CL Kenneth Ross Alvarado.

 

Si Alvarado ay nasawi noong July 8,2020 dahil sa heat stroke.

 

Batay sa imbestigasyon ng PNPA, nakikilahok sa evening mess formation ang kadete nang mag-collapse ito.

 

Kaagad naman siyang nadala sa Academy Health Service at inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kung saan siya binawian ng buhay dakong alas-9:56 ng gabi.

 

Siniguro naman ni PNPA Director PMGen. Jose Chiquito Malayo na magpapatupad sila ng karagdagang hakbang para hindi na maulit ang pangyayari.

 

Kabilang dito ang mandatory na pag-inom ng mga kadete ng hindi bababa sa sampung baso ng tubig kada araw at pagkakaroon ng bandolier na may dalawang baso ng tubig bilang bahagi ng kanilang uniporme.

 

Bukod dito, isasagawa rin ang ilang drills sa malilim na lugar at hahatiin sa dalawang bahagi at tatlong rounds ang progressive exercises ng mga kadete.

 

Ang PNPA class of 2024 ay mayroong 306 na kadete kung saan 254 dito ang lalaki, habang 52 ang babaeng kadete. (Ara Romero)

Other News
  • Kyle Smaine patay sa avalanche sa Japan

    Patay si US skier Kyle Smaine matapos na matabunan sa naganap na avalanche sa Japan.   Isa ang 31-anyos na skier sa 13 nasawi sa naganap na avalanche sa Nagano, Japan.   Ayon sa mga otoridad na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang mga biktima na posibleng natabunan na.   Kuwento ng kasama nito […]

  • Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS

    NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi.       He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy […]

  • PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.     Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at […]