• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2020

Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.

 

Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang hangin. May tsansa raw kasi na itulak ng hangin ang motor at mararamdaman din umano ng driver na pumapalag ito dahil pipigilan ng protective shield ang maayos na pagdaloy ng hangin.

 

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Motorcycle Philippines Federation sa protective barrier na ilalagay sa gitna ng rider at driver para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

 

Sinabi ni Director for Administration ngMotorcycle Philippines Federation Atoy Sta. Cruz na posible pa umano itong maging dahilan na maaksidente ang magka-angkas.

 

Aniya sapat na raw ang pagsusuot ng facemask, faceshield at full face helmet sa kadahalinang mag-asawa naman ang nakasakay sa motorsiklo.

 

Hiniling din ng grupo kay DILG Sec. Eduardo Ano na obligahin ang lahat ng mag-asawa o live-in partner na kumuha ng ID o certification na magpapatunay na nakatira sila sa iisang bahay upang mapabilis ang gagawing checkpoint. (Daris Jose)

Dickel, mananatiling coach pa rin ng Gilas – SBP

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mananantili pa ring interim head coach ng Gilas Pilipinas si TNT active consultant Mark Dickel.

 

Ito ay matapos na pagdedesisyunan pa ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung sino ang ilalagay nilang permanenteng coach ng national basketball team.

 

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, na mananatili pa rin si Dickel hanggang wala pang mga bagong anunsiyo.

 

Ang 43-anyos na si Dickel kasi ay siyang namuno sa Gilas ng talunin nila ang Indonesia 100-70 sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.

 

Pagtitiyak ni Barrios na maaaring sa katapusan ng taon ay makakapili na ang SBP ng permanenteng itatalaga bilang coach ng Gilas Pilipinas.

ERC, may refund order para sa bill ng ilang Meralco consumers

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naglabas na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng refund order para ibalik ng Meralco ang sobrang nasingil sa kanilang consumers para sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Kasunod ito ng pagdami ng mga reklamo laban sa napakataas na bayarin ng mga residente ng Metro Manila at mga karatig na lugar.

 

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, inoobliga nila ang Meralco na magkaroon ng pagsasa-ayos sa meter reading at magsauli ng mga sumobrang bayad.

 

Ngayong araw, umaabot na sa 50,000 ang mga nagsumite ng reklamo ukol sa usaping ito.

 

Maging si Devanadera ay aminadong nagulat nang makita ang kaniyang power bill, dahil sa labis na itinaas nito kumpara sa dati niyang binabayaran.

 

Ilang tauhan din ng ERC ang umaming naging biktima sila ng sobra-sobrang paniningil ng Meralco.  (Ara Romero)

Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sports  na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine.

 

Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga naunang pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan kinatigan nito ang naunang desisyon nina DILG Secretary Eduardo Ano at DOLE chief Silvestre Bello sa pagbibigay ng ‘go-signal’ sa boxing batay sa ipinapatupad na health protocol.

 

“Aprubado na rin po ang pagbiyahe ng ating mga boxer para makalaban sa abroad. Ipinaliwanag naman namin na tulad ng mga OFW (Overseas Filipino Worker) kabuhayan ang nakataya sa ating mga boxer sa paglaban sa ring lalo na sa abroad,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via zoom at live streaming ng Sports on Air sa YouTube at Facebook.

 

“For more than three months, talagang kawawa ang ating mga boksingero. No fight, No pay ang mga ‘yan. Pareho namang ite-test ang magkalabang boxers at papayagan lamang ang laban after lumabas ang resulta ng COVID-19 test,” ayon kay Mitra.

 

Sa panig ng horse racing, opisyal nang magbabalik ang industriya sa Hulyo 19 sa Manila Turf.

 

“Actually talagang sakripisyo ang industriya ng karera, patalo itong mangyayari sa Metro Turf dahil hindi pa rin pinapayagan ang mga OTB ( Off-Track Betting) na pinagmumulan nang pondo ng karera. Pero, atleast napayagan na tiyaga lang tayo,” pahayag ni Mitra.

 

Batay sa health protocol, ipinagbabawal ang Inter-Island boxing promotions at nililimitahan lamang sa 10 ang manonood sakaling ang lugar na pagdarausan ay nasa ilalim ng ECQ.

 

“I’m calling and pleading with our boxing promoters, matchmakers at organizers. Mga kaibigan natin silang lahat, huwag muna tayong dumayo. Pinayagan na tayo, stay put lang. Kung sa GenSan, mga taga-GenSan lang ang maglalaban, bawal ang mula sa Davao o anomang panig ng bansa,” sambit ni Mitra sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

 

Nilinaw naman ni Mitra na nakabinbin na rin ang request ng Mixed Martial Arts, gayundin ng iba pang contact sports para sa kanilang pagbabalik.

 

“Nagpapasalamat tayo at unti-unti pinapayagan na tayong magbalik sa ‘new normal’. ‘Yung talagang rules before ay ‘No vaccine, No sports’, kaya bantayan natin ito at agad na i-report ‘yung mga abusado para naman hindi maapektuhan ang buong organisasyon,” sambit ni Mitra, patungkol sa sabong na tila nahihirapan sa planong makabalik bunsod ng serye ng mga iligal na tupada na nagaganap sa bansa.

 

“Actually, ‘yung walong gaffer (mananari) na kabilang sa 49 na nahuli sa illegal na tupada sa Batangas, recently, ay binawian na namin ng lisensya. Konting tiis po sa ating mga kaibigan sa sabong para naman hindi maapektuhan ang buong industriya.

 

Inaasahang mas maraming sports organization na rin ang mapapayagan dahil sa mas pinalawak na Joint Administrative Order (JAO) na isinumite ng GAB-PSAC at DOH sa IATF Technical Working Group.

 

“Yung MPBL, PVL at Superliga, SBP parang nagkukumpara bakit daw sila ay hindi isinama sa JAP. Tanging PBA at Football League lang. Ang tanong ko sa kanila, sanctioned ba kayo ng GAB? Nagsumite ba kayo ng request sa amin. Siyembre hindi namin kayo dedepensahan dahil hindi naman kayo under jurisdiction ng ahensya,” pahayag ni Mitra.

 

Nakatakda ang pagpupulong ngayon ng GAB sa IATF kasama ang iba’t ibang sports organization tulad ng MPBL, PVL, Superliga at collegiate league NCAA at UAAP.

China atras sa Int’l sports

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020.

 

Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.

 

Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim na WTA tennis events kabilang na ang WTA Finals sa Shenzehn na gagawin sa Nobyembre.

 

Bukod pa rito, apektado rin ang malaking golf events na gaganapin sa Shanghai na men’s HSBC Champion at LPGA Shanghai.

 

Kasama ring tinamaan ng kautusan ang paghohost ng China sa Asian sports climbing championship sa Oktubre at ang badminton World Tour Finals sa Guangzhou sa Disyembre.

 

Ayon sa China, nais nitong tuluyan nang matigil na ang pagkalat ng virus matapos na tuluyan nang mapahinto ang local transmission.

DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes.

 

Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil sa “overwhelming” na pagdating ng mga specimen dahil sa binagong protocol para sa expanded COVID-19 testing.

 

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Malakanyang na kahit ang mga hindi nakikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay isasama sa expanded testing program ng pamahalaan.

 

Upang matapos ang mga backlog, sinabi ni Vergeire na nilimitahan ng mga laboratoryo ang bilang ng mga sample na tinatanggap ng mga ito kada araw.

 

Nagpatupad din ng zoning ang DOH para sa madaling referral sa ibang kalapit-laboratoryo.

 

“Pag ang isang laboratory ay nagkakaroon na ng problema like backlogs, puwede natin hingin ang tulong ng isang laboratory na malapit sa kaniya para ma-share niya ‘yung burden of these tests that are being processed,” ayon kay Vergeire.

 

Hanggang Hulyo 9, mayroong 83 na laboratoryo sa bansa ang accredited na magsagawa ng COVID-19 tests, kung saan 62 sa mga ito ang polymerase chain reaction (PCR) facility at 21 ang GeneXpert laboratories.

 

Umabot naman sa 19,459 ang average number ng mga test na isinagawa araw-araw mula Hulyo 1 hanggang 7.

 

Hanggang Hulyo 9 naman, nakapagtala na ang Pilipinas ng 51,754 na kaso ng COVID-19 kung saan 12,813 ang nakarekober at 1,314 naman ang nasawi.

Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup.

Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic.

Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa kumpetisyon.

Ilan lamang sa naging problema nila ay ang kakulangan ng mga lugar ng pag-eensayo dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno.

Umaasa rin sila na payagan na sila ng gobyerno na makapagsanay agad para sa paghahanda sa Suzuki Cup na gaganpin mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 31.

Hindi rin aniya napuputol ang pakikpag-ugnayan ng kanilang coach na si Scott Cooper sa mga manlalaro gamit ang makabagong teknolohiya ay nakakausap niya ang mga ito halos araw-araw.

Magugunitang itinakda sa Agosto ang draw ng Suzuki Cup sa Vietnam.

Pagkamatay ng PNPA cadet, pina-iimbestigahan ni PNP chief

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni PNPA 4CL Kenneth Ross Alvarado.

 

Si Alvarado ay nasawi noong July 8,2020 dahil sa heat stroke.

 

Batay sa imbestigasyon ng PNPA, nakikilahok sa evening mess formation ang kadete nang mag-collapse ito.

 

Kaagad naman siyang nadala sa Academy Health Service at inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kung saan siya binawian ng buhay dakong alas-9:56 ng gabi.

 

Siniguro naman ni PNPA Director PMGen. Jose Chiquito Malayo na magpapatupad sila ng karagdagang hakbang para hindi na maulit ang pangyayari.

 

Kabilang dito ang mandatory na pag-inom ng mga kadete ng hindi bababa sa sampung baso ng tubig kada araw at pagkakaroon ng bandolier na may dalawang baso ng tubig bilang bahagi ng kanilang uniporme.

 

Bukod dito, isasagawa rin ang ilang drills sa malilim na lugar at hahatiin sa dalawang bahagi at tatlong rounds ang progressive exercises ng mga kadete.

 

Ang PNPA class of 2024 ay mayroong 306 na kadete kung saan 254 dito ang lalaki, habang 52 ang babaeng kadete. (Ara Romero)

Lalabag sa back-riding policy, warning lang muna – HPG director

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Warning muna ang ibibigay sa mga lalabag sa polisiya sa pag-angkas sa motorsiklo sa unang araw ng pagpapatupad nito.

Sa panayam, iginiit ni Police Brigadier General Eliseo Cruz, PNP-Highway Patrol Group director na simula bukas, July 11 ay magsisimula na sila sa pag-aresto.

“Pipilitin natin na lahat ng mga dokumento o patunay na sila ay mag-asawa o mag-live-in partner ay maipapakita nila,” lahad ni Cruz.

 

Hindi pa aniya sila manghuhuli ngunit hahanapan pa rin sila ng protective shield.
Paliwanag pa ni Cruz, ipinatutupad lamang ng HPG ang utos mula sa IATF. (Gene Adsuara)

Ilang major road projects sa Metro Manila, nasa 80% completion na- DPWH

Posted on: July 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa 80% completion na ang mga Road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang magpapagaan sa daloy ng trapiko sa EDSA at iba pang major roads sa Metro Manila (MM).

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, na ‘as of may 2020’, tinatayang aabot sa 23,657 kilometers na mga bagong tulay ang malapit nang makumpleto ang konstruksyon.

Inaasahan aniyang malaki ang maitutulong nito sa 31 existing Bridges na nasa bahagi ng Pasig River, Marikina River at Manggahan Floodway.

Sinabi pa ng Kalihim na kabilang sa mga proyektong ito ang Bonifacio Global City – Ortigas Center Road Link Project Na konektado Naman sa Ginagawang tulay na mag-uugnay Sa Lawton Avenue, sa Makati At Sta. Monica Street, sa Pasig City.

Sakali aniyang makumpleto na ang mga ito, aabot na lamang sa labindalawang minuto o 12 minutes ang travel time sa pagitan ng Bonifacio Global City At Ortigas Central Business District.

Aniya, ilan pa sa mga target na matapos ng pamahalaan sa susunod na taon, Binondo – Intramuros Bridge at ang Estrella – Pantaleon Bridge. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)