AKAP budget, ilalaban ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez
- Published on November 23, 2024
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ilalaban ng Kamara ang paglalaan ng pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 2025 budget.
Mahigit sa apat na milyong “near poor” Pilipino sa buong bansa ang apektado nito.
“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty. This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks,” anang speaker.
Ang programa ay maglalaan ng one-time cash assistance na P3,000-P5,000 sa mga kuwalipikadong beneficiaries na ang kita ay mababa sa poverty threshold at hindi sakop ng alinmang government aid programs.
Ayon pa kay Romualdez, nasa mahigit sa 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) ang nakinabang sa AKAP bukod pa sa iba pang benepisaryo mula sa iba pang mga rehiyon na nabiyayaan ng P20.7 billion sa P26.7 billion allocation.
“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” dagdag nito.
Nanawagan pa ang speaker sa senado na ikunsidera ang panukalang i- defund ang AKAP.
“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” ani Romualdez. (Vina de Guzman)
-
COVID-19 task force, pag-uusapan ang health package, insentibo para sa home quarantine
PAG-UUSAPAN ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa COVID-19. “Sa gaganapin na meeting [ng COVID-19 task force] ngayong Thursday, isa ‘yan sa mga pag-uusapan natin: first of all, iyong package, health package na puwede nating ma-offer for those who undergo home isolation,” ayon […]
-
P6.352-T national budget para sa 2025 pasado na sa Kamara
INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025. Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent. Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation […]
-
Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque
MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. ” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson […]