Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa katunayan aniya ay sapilitang itinapon ng Pilipinas si Pemberton pabalik sa kanyang bansa, sa Estados Unidos.
” iyan po iyong ibig sabihin ng ‘deportation’. Sapilitan po iyan, hindi po siya voluntarily lumayas. Pinalayas po natin siya as an undesirable alien dahil siya po’y convicted killer,” anito.
Ang binura lamang aniya ng Pangulo kay Pemberton ay ang balanse ng kaniyang pagkakakulong kung mayroon pa pero hindi aniya nabura ang katotohanan na convicted killer si Pemberton.
“Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa ring bansag sa kaniya – convicted killer, Pemberton,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City. (Daris Jose)
-
Ads November 5, 2022
-
DOH sa publiko: Huwag magpapabakuna sa mga ‘illegal vaccination sites’
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kasunod ng mga ulat na may ilang grupo ang nagsasagawa ng hindi otorisadong pagbabakuna laban sa COVID-19, sa mga hindi rin opisyal na vaccination site. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, delikadong magpabakuna sa mga hindi opisyal na vaccination site dahil walang katiyakan na […]
-
Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7
IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu. “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]