Mga magsasaka sa Bulacan, tumanggap ng tulong mula sa UAE
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matulungang makabangon ang mga nasa agrikutural na komunidad matapos ang hagupit ng nagdaang Tropical Storm Kristine at iba pang hamong pang ekonomiya, namahagi ng may kabuuang 3,000 kahon ng essential goods sa mga Bulakenyong magsasaka sa lalawigan ang United Arab Emirates sa pangunguna ng Emirates Red Crescent noong Sabado, Nobyembre 23, 2024 sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.
Inihatid ng mga kinatawan mula sa UAE kabilang sina G. Obaid Ahmed Alshehhi, Unang Kalihim ng Embahada ng UAE sa Maynila, at G. Motaz Mohamed Salih Mustafa Mohamed Salih, pinuno ng programa ng Emirates Red Crescent, ipinamahagi ang 3,000 kahon sa mga pre-identified farming communities sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan, na naglalaman ng limang kilong bigas, food supplies, hygiene items at iba pang pangangailangan.
Sa kanyang mensahe, personal na inihayag ni Fernando ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng UAE para sa kanilang tulong sa sektor ng pagsasaka sa lalawigan.
“This generous donation from the United Arab Emirates reflects the strong international partnerships we continue to foster for the welfare of our people. These goods symbolize hope and encouragement for our farmers who tirelessly work to ensure our food security. On behalf of the Bulakenyos, we are truly grateful,” anang gobernador.
Binanggit din ni Fernando ang kanyang plano na i-level up ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pasilidad sa Doña Remedios Trinidad gaya ng Productivity Center, Breeding Center at Multiplying Center, na kapwa magpapalakas sa pagiging produktibo ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng pataba, punla, at paghahayupan.
Samantala, nakapagtala ang Provincial Agriculture Office ng may kabuuang P561,695,711.45 damages sa agrikultura na nakaapekto sa 3,388 na magsasaka at mangingisda matapos ang paghagupit ng Tropical Storm Kristine.
-
Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.” Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan […]
-
Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder
IBUBUHOS ng San Sebastian at Jose Rizal University ang itinatagong lakas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City. Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bombers ngayong alas-2 ng hapon kung saan ang mananalo ang […]
-
P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES
UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses. Sa idinaos na Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan […]