Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis —FDA
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito.
Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan nabibigyan ng exemption sa Value Added Tax (VAT) ang mga piling gamot na pang lunas sa iba’t-ibang mga karamdaman.
Ayon sa Implementing Guidelines ng Value-Added Tax (VAT) Exemption para sa iba pang mga Health Products nakasaad sa joint administrative order ng ahensya magkakabisa lang ang mga pagbabago na ito sa oras na maglabas ang FDA ng opisyal na advisory na siya namang ipinapasa ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry para ipa-implement.
Kung kaya’t noong araw ng Lunes, Nobyembre 25, ay opisyal nang inilabas ng DFA ang kanilang pinalawig na listahan kasama ang mga sumusunod na gamot sa Cancer; Degarelix 80 mg, 120 mg, Tremelimumab 25 mg/1.25 mL (20 mg/mL), at Tremelimumab 300 mg/15 mL (20 mg/mL).
Para naman sa Diabetes; Sitagliptin 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride 50 mg/1 g, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride (50 mg/850 mg), Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 25 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 50 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 100 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 50 mg, at Linagliptin 5 mg.
Habang sa Mental health na gamot; Clomipramine Hydrochloride 25 mg, Chlorpromazine (bilang hydrochloride) 200 mg, at Midazolam 15 mg.
-
Alex Eala, pinuri ng Malakanyang sa makasaysayang 2022 U.S. Open Junior girls’ singles tennis
PINURI ng Malakanyang ang Pinay na si Alex Eala na nagwagi sa US Open girls’ singles competition laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic. Lumikha kasi si Eala ng makasaysayang pagkapanalo at tinanghal bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon. Sinabi ni Press […]
-
Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors
Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso […]
-
Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games
NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France. Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi sa pasaway na International Weightlifting […]