Siklab Awards lalarga sa December 5
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
Gagawaran ng parangal ang mga bagitong atleta na nagpasiklab sa nakalipas na taon sa gaganaping Nickel Asia Corporation Siklab Youth Sports Awards 2024 sa Disyembre 5 sa Market! Market! Activity Center, Ayala Malls BGC sa Taguig City.
May 79 youth at junior athletes mula sa 36 sports ang kikilalanin sa ikaapat na edisyon ng awards night na binuo ng Sports Commission (PSC)-Philippine Paralympic Committee (PPC)-Philippine Olympic Committee Media Group (PSC).
Nangunguna sa listahan ang magkapatid na swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh na nagpasiklab sa iba’t ibang international tournaments.
Kasama rin sina world junior champions Tachiana Mangin ng taekwondo, weightlifters Angeline Colonia at Lovely Inan, 2024 US Junior Girls champion Rianne Mikhaela Malixi ng golf at wushu artist Alexander Gabriel Delos Reyes na bibigyan ng Young Heroes Awards.
Pasok din sa listahan sina Asian junior gymnastics gold medalist Karl Eldrew Yulo, world youth champion Isabella Butler ng jiu-jitsu, Asian age-group swimming gold medalist Jamesray Mishael Ajido at table tennis youth champion Kheith Rhynne Cruz.
May kani-kanyang awards din sina muay thai world champions Janbrix Ramiscal at Lyre Anie Ngina, at chess Olympiad gold medalist Ruelle Canino sa Super Kids Award category.
Sina three-time jiu-jitsu world champion Aleia Aielle Aguilar, Palarong Pambansa multiple gold medalists Albert Jose Amaro II (7 golds) ng swimming, Mitchloni Dinauanao at Francis Dave Sombal (5 golds) ng dancesports ang nasa Rising Youth Stars Award category.
Ang iba pang awardees ay sina Ana Bhianca Espenilla (athletics), John Andre Aguja (cycling), JR Pandi (badminton), Brandon Sanchez (baseball), Kieffer Alas (basketball), Marc Dylan Custodio (bowling), Nick Anjelo Payla (boxing) and Naina Dominique Tagle (archery), Gavin Moses Bangayan Ti (obstacle course racing), Jonathan Reyes (squash), Jeniva Consigna
-
Japanese tennis player Naomi Osaka bumagsak ang ranking
Bumagsak na ang world ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka. Ito ang unang pagkakataon na hindi nakasama si Osaka sa top 10 mula noong magwagi ng 2018 US Open title. Ang dating world number 1 hindi na nakapaglaro mula ng matanggal sa ikatlong round ng US Open noong nakaraang buwan. […]
-
MOSCOW’S DREAM ISLAND THEME PARK OFFICIALLY OPENS “HOTEL TRANSYLVANIA” ATTRACTION
IN anticipation of the upcoming release of Hotel Transylvania: Transformania, the final chapter of the $1.3 billion film franchise from Sony Pictures Animation, Dream Island Theme Park, Europe’s largest indoor theme park located in Moscow, announced April 15 that it has officially opened the much-anticipated attraction “Hotel Transylvania.” Dracula has opened up his lavish resort […]
-
Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… NADINE at HEAVEN, makakalaban sina KIM, MAX, JANINE, at ROSE sa pagka-Best Actress
TIYAK na kapana-panabik na naman ang magiging labanan sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito. Muli ngang magtatapat sa pagka-Best Actress sina Nadine Lustre para sa ‘Greed’ at Heaven Peralejo para sa ‘Nanahimik ang Gabi’. Makakalaban nila sina […]