Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang kredibilidad ng panel at takutin ang mga saksi na nagbunyag sa koneksyon sa pagitan ng illegal drugs, korupsyon at POGOs.
“Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga taong tumetestigo rito. Katakataka na napakalaki ng puhunan na umiikot sa mga trolls na halatang inaalagaan ng mga nasasaktan sa mga bagay na nauungkat sa mga pagdinig natin dito, kabilang na marahil ang mga malalaking pangalan na nagpoprotekta sa mga iligal na droga at POGO,” pahayag nito.
Dismayado ang mambabatas, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, sa mga pagtatangka na siraan ang reputasyon ng Quad Comm na ang pangunahing layunin ay ipalabas lamang ang katotohanan.
“Kung kaya hinihikayat namin ang ating mga kababayan na humarap, magsalita at magbigay ng kanilang impormasyon na may kinalaman sa usaping tinatalakay namin dito,” panawagan ng kongresista.
Nadiskubre ng Quad Comm ang ebidensiya na nagsasangkot sa illegal drug trade sa POGO operations, tulad ng kung papaano ginagastusan at dumaan ang drug money sa sugal.
Aniya, ilang bahagi ng kinikita sa drug trade ay ginagamit para suhulan ang ilang government officials, bumili ng lupa at magbigay proteksyon at pekeng pagkakilanlan sa nasabing operasyon.
“The money flow from this drug trade is being used to acquire landholdings, influence and corrupt government officials and employees who conspire with drug traders in offering protection and fake identities, that undermine the security of our country. We were shown how the money was being laundered into the POGOs and used to fatten the wallets and pockets of the protectors in government,” dagdag ni Barbers. (Vina de Guzman)
-
Angelina Jolie, Reveals the Reason Why She Signed on for MCU’s Upcoming Movie ‘Eternals’
ANGELINA Jolie reveals why she said yes to Marvel’s Eternals. The next MCU movie after Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals shifts the focus away from the better known Marvel superheroes and instead introduces a new, eponymous group of superpowered individuals based on Jack Kirby obscure comic book team. The movie navigates the adventures of the titular, immortal […]
-
KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na
HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020. Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod […]
-
KRISTOFFER, tinira-tira ng ex-gf at pinagselosan daw si TAE HYUNG ng ‘BTS’
HABANG nagra-rant sa Twitter ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagpapa-interview ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang 4-year old daughter na si AC Banzon, may sariling mga tweets din si AC tungkol sa ex-boyfriend. Naka-lock na ang Twitter account ni AC, pero may nahanap kaming screenshots ng mga tweets niya […]