KRISTOFFER, tinira-tira ng ex-gf at pinagselosan daw si TAE HYUNG ng ‘BTS’
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
HABANG nagra-rant sa Twitter ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagpapa-interview ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang 4-year old daughter na si AC Banzon, may sariling mga tweets din si AC tungkol sa ex-boyfriend.
Naka-lock na ang Twitter account ni AC, pero may nahanap kaming screenshots ng mga tweets niya laban kay Kristoffer.
Heto ang mga iyon:
“Kakainis dinifend pa kita sa blackpink at issue ni Barbie hahahahahaha okay guys I take back. HAHAHAHA JOKE.”
“Daming sabe! Screenshots na lang oh!”
“Hahaha hiya naman ako sa interview mo na walang nakagets sa sinasabi mo hahahahaha literal na wala kaming nagets. Sabog ba u? Yung totoo hahaha!”
“Imagine pati si Taehyung na-insecure ka hahahaha ewan ko na lang ah. Nawa’y mapangasawa ko si Taehyung guys! Hahahaha”
“Pinagsasabi nito? Lasing ka na naman? Hahahaha”
Ang tinutukoy na Barbie ni AC ay si Barbie Imperial na ex-gf ng kaibigan ni Kristoffer na si Paul Salas. Diumano’y sinasaktan daw physically ni Paul si Barbie at pinagtanggol siya ni Kristoffer.
Si Tae Hyung naman ay ang South Korean singer na si V at isa sa vocalists ng BTS.
Ang mga naging tweets naman ni Kristoffer ay deleted na lahat.
***
MARAMING couples ang naka-relate sa mga pinagdaanan ng relasyon nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Inamin ni Mina sa isang vlog interview na minsan na silang naghiwalay ni Zoren at doon niya na-realize na si Zoren ang kanyang “the one”.
Kuwento ni Mina: “Kasi parang nag-break kami for a while e. So noong nawala siya, doon ka na-realize na… ‘di ba ‘yun nga ‘yung sinasabi nila na kapag nawala na, madami kang realizations when the person is gone. Doon ko na-realize na ‘oh my gosh. he’s the one.’”
Sey ni Zoren: “Natatandaan ko nag-break kami. Pero never kasi kami naging mag-on. Never kami naging boyfriend and girlfriend. Wala siyang ligawan stage. Parang bestfriend chuchu!”
Noong mabuntis si Mina sa kambal nila ni Zoren na sina Cassy at Mavy, sa US sila nanirahan at pansamantalang iniwan ang kanilang showbiz careers.
Sa Amerika raw mas nasubukan ang pagiging matatag ng relasyon nila Zoren at Mina.
“Kaya siguro naging well bonded kami ni Tatay because ibang klase din ‘yung pinagdaanan namin sa Amerika. I’m not saying that it’s all hardships, of course may paghihirap.
“That’s what makes our relationship e. Kami lang talagang dalawa, wala kaming choice kung hindi to take care of you and to look out for each other,” sey ni Mina na napapanood sa GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.
***
NAGDESISYUN na ang aktor na si Janus del Prado na mag-freelancer na at iiwan na ang Star Magic pagkatapos ng 21 years.
Mag-e-expire na raw ang kontrata ni Janus next month at gusto niyang maging freelancer na lang.
“Thank you Star Magic (Talent Center) for making me a part of your family for more than 2 decades (21 years). From when I was just 15, training to be one of your talents in Star Circle Batch 9 (which I am) to Gmik, Qpids, etc, to now that I’m 36 years old doing Tito roles. Next month, my management contract with you may end but not my support and love for the whole Star Magic Family. I will always and forever be grateful. It has been one hell of a ride. Till we meet again,” caption ni Janus sa Instagram post nito.
Dating child actor at anak ng veteran actor na si Renato del Prado si Janus. Naging member siya ng Star Circle Batch 9 kunsaan ka-batch niya sina Angel Locsin, Heart Evangelista, Coco Martin, Rafael Rosell, at Alwyn Uytingco.
Lumabas sa maraming teleserye at pelikula sa Star Cinema si Janus tulad ng One More Chance, A Second Chance, Four Sisters And A Wedding, D’Lucky Ones, Catch Me I’m In Love at She’s Dating The Gangster. (RUEL J. MENDOZA)
-
12 provincial bus routes binuksan
BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes makaraan ang anim na buwan na nakalipas simula ng magkaron ng COVID-19 outbreak upang muling makakapasok ng Metro Manila ang mga provincial buses. Simula September 30, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng 12 provincial bus […]
-
Jurassic World Dominion Star Reveals New Character Backstory Details
Jurassic World Dominion star DeWanda Wise reveals details about her character’s backstory. The upcoming film will be the sixth in the franchise and will apparently conclude the story that first started with Jurassic Park in 1993. Set four years after the conclusion of Jurassic World: Fallen Kingdom, where the original theme parks were destroyed […]
-
Red tagging sa mga organizer ng community pantries, gawain ni satanas-obispo
Ang red-tagging at pag-aakusa ng walang batayan sa mga organizers ng community pantries sa bansa ay maituturing na gawa ni Satanas. Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa red-tagging at profilling laban sa nagsasagawa ng mga community pantries sa bansa ngayong panahon ng pandemya na may batayang biblikal sa ginawang […]