• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinanggihan din na tumakbong Senador: VILMA, umaming apat na beses na inalok na mag-Vice President

PERSONAL na dumalo ang Star for All Seasons sa inorganisang Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) na ginanap sa UST.

 

 

Si Professor Augusto Antonio Aguila ng College of Liberal Arts ang the man behind sa nasabing proyekto kung saan ipinalabas ang mga restored movie ni Ate Vi na kagaya ng ‘Dekada 70′, ‘Ekstra’, ‘Bata, Bata Paano Ka Ginawa’ at ‘Tagos ng Dugo’.

 

 

Nang hapon na yun kung saan dumalo si Ate Vi ay ang pelikulang ‘Dekada 70’ ang ipinalabas.

 

Sa totoo lang kahit more than 20 years nang maipalabas ang nabanggit na movie directed ni Chito Roño ay napapanahon pa rin at parang akma pa rin sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.
Nagkaroon naman ng “talk back” after napanood ng lahat ang movie.

 

Game naman si original grand slam actress sa mga tanong ng mga istudyante ng University of Sto. Tomas at ng ilang movie press.

 

Deretsahang inamin ng bida ng pang-MMFF movie na “Uninvited“ na apat na beses siyang inalok para tumakbong Vice President noon.

 

Sina dating Pangulong Gloria Arroyo, Sec. of Defense Gibo Teodoro ay ang dalawa sa mga nag-alok sa kanya to run for Vice President. Pero tinanggihan lahat ng premyadong aktres at politician, pati na ang kung ilang beses na pag-alok sa kanya na tumakbong senador.

 

Katwiran pa ni Gov. Vi na ang Paglilingkod ay Hindi para sa kung anong posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang pinaglilingkuran.

 

Mas pinili pa rin na tumakbong gobernador ni Ate Vi para sa mga Batangueños at may mga project pa rin siya na tatapusin para sa mga ito.

 

***

 

SAMANTALA, tuwang-tuwa ang mga Thomasians lalo na ang mga GenZ sa mga sagot ni Ate Vi. At sa kuwento ng aktres sa mga naging karanasan niya sa paggawa ng pelikula at kung paano ang pamumuno niya sa probinsiya ng Batangas.

 

Kumbaga, ang daming lessons daw na natutunan nila sa itinuturing ng lahat na icon ng industriya ng pelikula.

 

Sabi pa nga nang nakausap naming mga grupo ng istudyante iba raw pala talaga magsalita si Ate Vi, kagagalang-galang at dapat mong bigyan ng respeto.

 

Sa totoo lang din naman si Ate Vi ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Lipa at kauna-unahang gobernador ng Batangas.

 

Kilala naman natin ang tapang ng mga Batangueño pero pag si Ate Vi ang magsalita lahat sila nakikinig.

 

Dagdag pa rin ni Ate Vi, first and for most priority pa rin niya ang pamilya na kaya raw siya naging effective na public servant dahil naging mahusay siyang ina nina Ryan at Luis at asawa ni Sec. Ralph Recto.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Kilig na kilig ang aktres at siguradong iiyak nang husto: JOMARI, pangarap na makitang ‘walking down the aisle’ si ABBY

    INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya.     Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner.     Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na […]

  • Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright

    Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na  Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night.     Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew […]

  • Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM

    MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.     “With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs […]